'Kaligtasan, kalusugan at masayang pamilya': Hiling ng maraming Pilipino sa Australia ngayong Pasko

A number of Filipinos in Australia share what they wish for this Christmas

A number of Filipinos in Australia share what they wish for this Christmas Credit: SBS Filipino

Get the SBS Audio app

Other ways to listen

Maraming mga Pilipino sa Australia ang naghahangad ng hindi pansariling regalo ngayong Pasko. Matapos ng sunud-sunod na mga bagyo sa Pilipinas, hiling ng mga kababayang ito ang kaligtasan, maayos na kalusugan at kasiyahan ng kanilang mga pamilya.


Key Points
  • Ngayong Pasko, hiling ng maraming Pilipino ang kaligtasan ng kanilang mga mahal sa buhay lalo na matapos ng anim na sunod na bagyo sa Pilipinas.
  • Kalusugan at kasaganahan ng pamilya ay dasal din ng maraming Pilipino.
  • Habang sa Australia, bukod sa kapakanan ng pamilya, nangunguna sa wish-list ng mga Australian ang makatanggap ng regalong damit, sapatos, libro at gift card.
LISTEN TO THE PODCAST
CHRISTMAS WISHES VOXPOP FILIPINO 2024 image

CHRISTMAS WISHES VOXPOP FILIPINO 2024

06:40
Batid ng mga kababayang Pilipino sa Australia ang mga nagdaang magkakasunod na bagyo na sumalanta sa Pilipinas kaya naman ngayong Kapaskuhan nitong Disyembre 2024, marami sa ating mga kababayan dito sa Australia ang naghahangad ng hindi pansariling regalo kundi higit para sa kanilang mga pamilya at mga mahal sa buhay na malayo sa kanila.

Nawa'y matapos na ang lahat ng kalamidad sa Pilipinas ang tanging hiling ni Yolanda Lee na naawa sa mga kababayan na sinalanta ng mga nakaraang bagyo.

Sinegundahan ito ng author at finance journalist and editor na taga-Sydney na si Michelle Baltazar.
Safety of family
"We wish for the safety of our families and kababayans" is central to what Yolanda Lee, Michelle Baltazar, Charles Chan and Marcus Rivera. Credit: SBS Filipino
Mga kababayan din ang nasa-sa-isip ng aktibo sa komunidad Filipino at isa sa founder ng Flagcom and Friends na si Charles Chan, lalo na ang mga Pilipino na salat sa yaman. Kapus man umano sa handa ngayong Pasko, mahalagang magpasalamat na magkakasama ang mga myembro ng pamilya.

Magkasama-sama naman ang buong pamilya ang hiling ni Luzette Saez at nawa’y pagpalain ng mas mahaba pang buhay.

Kalusugan naman ng pamilya at nawa’y maging permanent resident ang hiling ni Mel Casin para sa kanyang buong pamilya.

Family and prosperity of family.jpg
Family's well-being, a more prosperous life and a united community are what Mel Casin, Mr Cecilio, Chef Emman Recio and Luzette Saez wish for this Christmas. Credit: SBS Filipino
Pamilya din ang sentro ng kahilingan ni Chef Emman Recio ngayong Pasko.

Kasiyahan din ng sariling pamilya at ng lahat ng pamilyang Pilipino ang wish ng actor-singer na si Marcus Rivera.

Para naman kay Mang Cecilio, hiling nito ang swerte.

"Manalo sana ako sa lotto!" anang ginoo.

Share