Tamis ng Paskong Pinoy, paano pinapanatili ng mga Pilipino sa Western Australia

Filipinos in Western Australia

Away from their families, these Filipinos have adjusted to how Christmas is being celebrated in the country they now call home, Australia. Credit: SBS Filipino/Annalyn Violata

Malayo man sa kani-kanilang mga pamilya sa Pilipinas, natutunan na ng mga Pilipinong ito kung paano ipagdiwang ang Pasko sa Australia - puno pa rin ng sigla, pag-asa at pagmamahal.


Key Points
  • Kaiba sa Pilipinas, ang Pasko sa Australia ay kadalasang mainit.
  • Para sa mga Pilipino, tulad ni Benny Chan, na walang kapamilya sa Australia, mga kaibigan at komunidad ang madalas na kasama sa Pasko.
  • Nanatili pa rin ang Paskong Pinoy sa puso ng maraming Pilipino sa Australia.
LISTEN TO THE PODCAST
Filipinos in WA wish everyone a peaceful Christmas celebration FINAL image

Filipinos in WA wish everyone a peaceful Christmas celebration FINAL

07:39
Christmas Perth 2019.jpg
2019 Christmas Light displays on some of the popular buildings in Perth WA. Credit: Edelcita Milan
Mainit man at kaiba sa malamig na simoy ng hangin sa Pilipinas sa tuwing panahon ng Kapaskuhan sa Australia, maraming Pilipino, gaya ni Benny Chan ang nasanay na rin sa 'summer Christmas' na tinatawag.

"As you know, iba ang weather dito, it's summertime, kaya most of the time we go to the beaches," pahayag ni Benny.

"On Christmas day, iba ang celebration dito, you just visit friends and family."
Nitoy.jpg
Benny 'Nitoy' Chan (left) with friends, Angelita Jongko and Edel Griffin. Credit: Nitoy Chan
Mag-isa na lamang sa buhay si Benny mula nang pumanaw ang kanyang ina may ilang taon na ang nakalipas, kaya malaking pasalamat niya sa mga kaibigan at sa komunidad Pilipino sa Perth na kanyang nakakasama sa pagdiriwang ng Pasko.

Ramdam na ramdam naman ng Chef na si Jorge Gonzaga ang kaibahan ng pagdiriwang ng Pasko sa pinagmulang Pilipinas sa kanyang bagong bansang Australia, lalo pa nga at madalas itong nagta-trabaho sa mismong araw ng Pasko.

Share