Ano ang CFO Guidance and Counselling Certificate at paano kumuha nito?

panel3.jpg

CFO Guidance and Counselling Panel. Credit: Commission on Filipino Overseas

Sa episode na ito ng ‘Trabaho, Visa atbp.,’ ibinahagi ng isang Filipino sa Australya ang kanyang karanasan sa pagkuha ng Guidance Counselling Certificate mula sa Commission on Filipino Overseas.


Key Points
  • Sa pahayag ng Philippine Bureau of Immigration na ipinadala sa SBS Filipino, sinabi ng ahensya na mahigipit nilang ipinapatupad ang umiiral na panuntunan na mga Departure Formalities para sa mga International- Bound Passengers.
  • Kabilang dito ang kaukulang dokumento mula sa Commission on Filipino Overseas na tinawag na CFO guidance and counselling certificate para sa mga Filipino na lalabas ng bansa at makikita sa unang beses ang kanilang partner na foreign national gaya ng fiancee’, asawa o miyembro ng pamilya nito.
  • Sa website ng CFO, sinabi nitong ang programa ay maaring gawin online o on-site kung saan kailangan mag-book ng appointment at ihanda ang kinakailangan mga dokumento gaya ng valid ID, pasaporte, visa, marriage certificate at iba pa.
Ang podcast series na 'Trabaho, Visa, atbp.' ay tinatalakay ang mga isyu at impormasyon sa migrasyon tuwing Huwebes sa SBS Filipino. 
PAKINGGAN ANG ULAT:
Ano ang CFO Guidance and Counselling Certificate at paano kumuha nito? image

‘Natatakot ako ma-offload’: Pinoy sa Australya na magbabakasyon sa Pilipinas, kumuha pa din ng CFO certificate

SBS Filipino

24/11/202209:21
Paunawa: Ang pangkalahatang paliwanag at impormasyon ay gabay lamang. Para sa dagdag na impormasyon at payo na naayon sa iyong problema o sitwasyon, puntahan ang website ng o kumonsulta sa isang abogado o registered migration agent.

Share