Pinoy favourites: Dulce de leche brownies

Madaling gawin at mahirap tanggihan, ang malambot at fudgey na brownies na ito ay maaring ihanda as-is o kasama ng vanilla ice cream.

Dulce de leche brownies

Dulce de leche brownies Source: Nikki Alfonso-Gregorio

Mga sangkap:

1 lata ng kondenseda

57 gms mantikilya

1/4 cup canola oil

230 gms dark chocolate buttons

3 itlog, naka-whisk

2/3 cup all-purpose flour

1/2 cup white sugar

1/2 cup brown sugar

2 tsp vanilla

1/2 tsp asin

Paraan ng pagluluto:

1. Para sa dulce de leche: Habang nasa loob pa ng lata, pakuluin ang kondensada ng tatlong oras. Siguraduhing nakababad sa tubig ang buong lata. Kapag bumaba ang tubig, dagdagan ito. Pagkatapos itong lutuin, buksan ang lata at haluin ang dulce de leche.
Dulce de leche
To make dulce de leche, boil a can of condensed milk for three hours. Source: Nikki Alfonso-Gregorio
2. Initin ang oven ng 175 na digri.

3. Lagyan ng foil ang brownie pan at pahiran ito ng oil.

4. Ilagay ang tsokolate, mantikilya at oil sa isang metal na bowl. Ilagay ang bowl sa ibabaw ng kumukulong tubig upang matunaw ang mga sangkap.

5. Idagdag ang mga asukal at haluin. 

6. Idagdag ang mga itlog ng dahan-dahan. Idagdag ang vanilla.

7. I-sift ang harina sa iibabaw ng mixture at lagyan ito ng asin. Haluin.

8. Maglagay ng kaunting dulce de leche sa pan, at ibuhos ang 1/3 ng brownie batter. Ulitin ang proseso, at tapusin ito sa pamamagitan ng paglagay ng dulce de leche sa ibabaw. Gamit ang tip ng kutsilyo, gumawa ng swirls sa ibabaw ng batter.

9. Ilagay ang pan sa oven at lutuin ang brownie ng 10-20 na minuto.

10. Gumamit ng toothpick upang siguraduhing luto na ang brownie. Dapat may mga butil ng brownie na nakadikit sa toothpick; kung tuyo ito, malamang over-baked ang iyong niluto.

10. Maaring ihanda ang brownie ng may kasamang ice cream.
Dulce de leche brownies
Easy to make and hard to resist. Source: Nikki Alfonso-Gregorio
Notes:

* Maaring palitan ang Dulce de leche ng store-bought caramel.

** Kapag pinalamig ang brownie sa fridge, titigas ito; ngunit, maari itong palambutin muli sa pamamagitan ng microwave.

BASAHIN DIN


Share
Published 14 September 2018 8:08am
Updated 23 November 2018 10:25am
By Nikki Alfonso-Gregorio


Share this with family and friends