Pinoy favourites: Mamon

Isang pamilyar na Filipino meryenda, ang mamon ay ang ating bersyon ng sponge cake. Kasing-laki ito ng muffin o cupcake.

Mamon

Mamon is a classic Filipino snack. Source: Nikki Alfonso-Gregorio

 

Maaring plain ito, o may topping na mantikilya, asukal at/o queso. May iba't ibang uri din ng mamon, gaya ng ube at mocha.

Mga sangkap:

90 gms cream cheese

50 gms mantikilya

2 tbsp canola oil

1/2 cup gatas

1 tbsp vanilla extract

8 itlog, nakahiwalay ang pula at puti 

3/4 cup biscuit, pastry & cake na harina

1 cup asukal

1/2 tbsp baking powder

1/4 tbsp cream of tartar

napatunaw na mantikilya at asukal para sa topping

Paraan ng pagluluto:

1. I-preheat ang oven sa 175 degrees Celsius.

2. Sa isang double broiler, tunawin ang mantikilya, cream cheese at canola oil. Haluin ng mabuti gamit ang whisk. 

3. Patayin ang apoy at idagdag ang gatas at vanilla. Itabi at palamigin ng isa hanggang dalawang minuto.

4. Idagdag ang pula ng itlog at haluin gamit ang spatula.

5. I-sift ang harina sa mixture. Maingat na haluin ito. 

4. Gamit ang hand mixer o stand mixer, haluin ang puti ng itlog, asukal, baking powder at cream of tartar. Haluin hanggang maging stiff peaks ito.

5. Dahan-dahang idagdag ang egg white mixture sa batter. Gamitin ang spatula sa paghahalo. Siguraduhing nahalong mabuti ang batter na iisa na lang ang kulay nito.

6. Kung gumagamit ka ng silicone moulds o patty pans, maingat na ilagay ang batter sa loob ng mga ito. Kung gumagamit ka ng tin mould, spray-an ito ng oil bago ilagay dito ang batter.

7. Lutuin ang mamon ng 10-15 na minuto, o gumamit ng toothpick upang tingnan kung tapos na ito. Ang oras ng pagluluto ay nakadepende sa laki ng iyong mould. 

8. Tanggalin sa oven at palimigin ito ng sandali.

9. I-brush ang itaas ng mamon ng napatunaw na mantikilya at lagyan ng asukal. 


Mamon
Enjoy with a cuppa! Source: Nikki Alfonso-Gregorio
Notes:

* Upang siguraduhing malambot ang mamon, huwag itong i-overmix.

** Mga 1-2 dosena ang magagawa gamit ang recipe na ito depende sa laki ng iyong mould.

 

SUNDAN KAMI SA FACEBOOK SA .


Share
Published 13 July 2018 8:06am
Updated 31 August 2018 5:37pm
By Nikki Alfonso-Gregorio


Share this with family and friends