Insta-worthy: Pinoy fusion

Instagram-worthy at may Pinoy twist, ibinahagi ni Rice Paper Sister Head Chef Ross Magnaye ang isang recipe na maari mo ring gawin sa bahay.

Moreton bay bug thermidor dish with coconut béchamel

Moreton bay bug thermidor dish with coconut béchamel Source: Ross Magnaye

Naghahanap ka ba ng panibagong recipe na maibabahagi mo rin sa iyong mga kaibigan? O gusto mo bang ma-impress ang asawa mo gamit ang isang gourmet meal? Itong must-try recipe mula kay Chef Ross Magnaye ay naghahalo ng tamis ng lamang-dagat na Moreton bay bug at ang pagka-creamy ng coconut béchamel.

Wag kalimutang kumuha ng piktyur bago ito kainin!

Moreton bay bug thermidor with coconut béchamel

Mga sangkap:

4 Moreton bay bug tails, nakatanggal sa balat at diced
 
Para sa coconut bechamel 
 
30 gms luya
20 gms tanglad
10 ml Shiaoxing wine 
500 ml kakang gata 
Tapioca flour with warm water, for slurry
Patis, to taste 
Chopped mix herbs of your choice
Paraan ng pagluluto:

1. Lutuin ang luya at tanglad.
2. I-Deglaze ito gamit ang Shiaoxing wine.
3. Idagdag ang kakang gata at tapioca slurry.
4. Idagdag ang bug at patis. Ibalik ang karne ng bug sa balat nito.
5. Lagyan ng herbs. 
ALSO READ



Share
Published 24 August 2018 9:21am
Updated 24 August 2018 11:23am
By Nikki Alfonso-Gregorio


Share this with family and friends