Paano magluto ng Gising-Gising kung walang sigarilyas?

Habang maari kang gumamit ng green beans imbis na sigarilyas sa Gising-Gising, may isa pang uri ng gulay na mas babagay pa sa putaheng ito.

Gisi

Gising-Gising Source: Nikki Alfonso-Gregorio

Ah, dumating na ang spring, at kasama nito ang makukulay na prutas at gulay. At ano pa ang pinakamainam na pagbati sa spring kundi ang pagluluto ng isang putaheng bagay na bagay sa panahon - ang ating sariling Gising-Gising.

Ipinaghahalo ng Gising-Gising ang lutong ng sigarilyas, ang pagka-umami ng giniling na baboy, ang linamnam ng gata at ang anghang ng sili.

Habang ang sigarilyas ang pinakabagay na gulay sa Gising-Gising, mahirap hanapin ito sa Australya; kaya naman kung ninanais mong magluto ng Gising-Gising nitong spring, ang asparagus ay mainam na alternatibo sa gulay na ito.
Asparagus
The asparagus in Australia are crisp and solid, and almost resemble lavender stalks with their green and purple gradations. Source: Nikki Alfonso-Gregorio
Malapit ang lasa at texture ng asparagus sa sigarilyas, at ang asparagus sa Australya ay mahaba, malutong at solid, at tila mukhang lavender stalks dahil sa kulay at itsura nito.

Mga sangkap:

500 gms giniling na baboy

200 gms hipon, walang balat at naka-slice sa maliliit na piraso

3-4 bunches asparagus, naka-slice sa 2-centimetre na mga piraso

1 can gata

2-3 tbsps bagoong alamang

kalahating sibuyas, chopped

3 cloves ng bawang, minced

2-3 pcs siling haba

pulang sili, opsyonal

asin at paminta, to taste 

Paraan ng pagluluto: 

1. I-sauté ang bawang at sibuyas sa isang pot.

2. Idagdag ang giniling na babay, at i-season ng asin at paminta.

3. Ilagay ang bagoong. I-base ang dami ng bagoong ayon sa iyong panlasa.

4. Ilagay ang gata at hipon. Lutuin hanggang maging orange ang hipon.

6. Idagdag ang asparagus. Mag-ingat na hindi masobrahan ang luto sa gulay.

7. Idagdag ang siling haba. 

8. Kung ninanais mong mas maging maanghang ang Gising-Gising, dagdagan ito ng pulang sili.

9. Samahan ng kanin kapag kakainin.
Gising Gising
After 24 hours of ingredients fully integrating into the dish, the Gising-Gising becomes even more flavourful. Source: Nikki Alfonso-Gregorio
Notes:

* Ang Gising-Gising ay lumalapot kapag lumamig, at mas malinamnam pa ito sa kinabukasan.

BASAHIN DIN

Share
Published 7 September 2018 7:56am
By Nikki Alfonso-Gregorio


Share this with family and friends