Lechon: Bahagi ng bawat selebrasyong Pinoy

Lechon in Philippines

Lechon is a national dish in Philippines and is usually served throughout the year for special occasions. Source: Moment RF

Hindi kumpleto ang selebrasyon ng mga Pilipino kung walang lechon sa hapag kainan. Ang paghanda ng popular na ulam ay isang enggrandeng paraan ng pagbibigay respeto at pagkahilig ng mga Pinoy sa selebrasyon.


Ang Lechon ay hindi mawawala sa bawat selebrasyon ng mga Pilipino. Nagmula sa mga Espanyol, ang ulam ay nagtatampok ng isang buong baboy na niluto sa uling.

Sa loob ng dalawampu't walong taon, matapat na nagluluto para sa komunidad Pilipino ang Sydney Cebu Lechon ng kanilang sikat na bersyon ng popular na Cebu lechon.

Bakit gustong-gusto ng mga Pinoy ang lechon

Sinabi ni Pat Samañego, isa sa mga may-ari ng negosyong binuo ng isang pamilyang Pinoy, ang pagkahilig ng Pinoy sa lechon ay nagmula pa sa kasaysayan at dahil din para sa mga Pilipino, ito ay isang enggrandeng paraan ng pagbibigay respeto at pagkahilig ng mga Pinoy sa mga selebrasyon.
"History plays an important role and at parties you would always find lechon. It's always a grand gesture of our respect and celebration. It’s a sign of importance."
Ngunit sa kabila ng malakas na impluwensiya ng kasaysayan, makakapagpatunay din ang bawat Pilipino na talagang masarap ang lechon. Tiyak na matatakam ka sa lasa at amoy ng karne, at malutong na balat na sinasawsaw sa sarsa.
The flavour and aroma of the meat, crunch of the skin dipped in rich liver sauce can make one drool for lechon.
The flavour and aroma of the meat, crunch of the skin dipped in rich liver sauce can make one drool for lechon. Source: Sydney Cebu Lechon
At habang masarap ang lahat ng klase ng lechon, sinabi ni Ginoong Samañego na tanyag ang Cebu lechon dahil sa lasa nito. Lalo pa't idineklara ng kilalang chef at TV host na si Anthony Bourdain ang mga baboy ng Cebu na pinakamasarap sa buong mundo.

“For Cebu lechon it’s the blend that we make and the flavour, the aroma and the crisp of the skin, the saltiness with the achara (pickled papaya) balancing it out with the sawsawan (sauce). I think the combination of everything brings the flavour together and makes it really delicious," sabi niya. 

Bagaman inamin ni Ginoong Samañego na lahat ng kanilang baboy at sangkap ay nagmula sa Australya, ang timpla at aroma ng mga sikretong sangkap na inilagay sa tiyan ng baboy ay nagpapatoo na ito pa rin ay Cebu lechon.

"Our pork is organic free range Australian pork. To get the Cebu lechon flavour, it’s the blend,” dagdag niya.

Kinilala din niya na ang dahilan ng tagumpay ng pinaka-una at matagal na lechonan sa Australya na sina Fred at Fely Mahusay. 

“Tito Fred and Tita Fely did a good job in bringing that Cebu lechon flavour here in Sydney and at the moment we’re very happy to know that we’re doing a good job.”

28 taon na lechonero ng mga Pilipino

Halos tatlong dekada ng nagle-lechon ang Sydney Cebu Lechon para sa mga Pilipinong naghahanap ng lasang Pinoy, at ang kanilang simula ay hango sa kanilang sariling karanasan. Nang sila ay unang dumating sa Australya bilang bagong migrante, na-miss nila ang pagkaing Pinoy at dahil nakita nila na may kakulangan sa mga kainan, nagdesisyon silang magtayo ng sarili. Hindi nagtagal, ito ay pinamahalaan ng kanilang anak na si Will Mahusay na nag-aral ng kulinarya.

“It started with Tito Fred and Tita Fely. They opened up a catering business at Glendenning. Since then, it rolled over to Will who took on the business because his parents were thinking of potentially retiring. He was the only one who had a culinary background and as of recently I’ve come and join.”
The forerunners of the oldest lechon purveryor in Australia- Fred and Fely Mahusay and their son Will Mahusay who is now managing Sydney Cebu Lechon.
The forerunners of the oldest lechon purveryor in Australia- Fred and Fely Mahusay and their son Will Mahusay who is now managing Sydney Cebu Lechon. Source: Facebook/IG Sydney Cebu Lechon

Lasang Pinoy

Dahil sa pagnanais na mas maipakilala at madala ang lasang Pinoy sa buong Australya, sinabi ni Ginoong Samañego na sila ngayon ay nagpa-plano para sa mga parating na proyekto at sila din ay nakatuon sa pagtulong na internasyunal at lokal na komunidad.

“We have a lot of projects for next year, branching out in the Western Sydney region and potentially interstate. We’re not just a restaurant, we are also focusing on the fact that we are a platform helping out the Filipino community internationally and locally and doing a lot of charity work as well.”
Cebu lechon is celebrated worldwide because of its flavour.
Cebu lechon is celebrated worldwide because of its flavour. Source: Sydney Cebu Lechon

Pork Lechon: Isang tradisyonal na pagkaing Pinoy tuwing Pasko

Kulang ang selebrasyon kung walang lechon sa kainan tuwing Pasko. Kahit saan man sa mundo, sisikapin ng mga Pilipino na makahanap ng lechon. At habang paparating na ang pinaka-busy na buwan ng taon, hindi maikakaila na kadalasan sa mga Pilipino at ibang lahi ay magpipila para sa lechon upang gawing mas enggrande ang kanilang selebrasyon.

PAKINGGAN DIN:


Share