Vigil of Hope isinagawa ng mga international students para manawagan sa makatarungang patakaran sa Visa 485

PROTESTERS HOLDING PLACARDS DURING A VIGIL AT SYDNEY TOWNHALL FOR 485 VISA CHANGES

International PhD students in Australia are voicing their fears of being forced to leave the country due to a new age cap imposed on a graduate visa. Image by: James Packer

Sabay-sabay na nagsagawa ng Vigil of Hope ang mga international students sa iba’t ibang lungsod ng Australia para muling ipahayag ang kanilang hinaing bilang mga student visa holders, lalo na sa mga may edad 35 pataas.


Key Points
  • Ilang International PhD students ang nagpahayag ng kanilang takot na mapipilitang umalis sa bansa dulot ng bagong age cap na ipinatupad sa Temporary Graduate Visa Class 485.
  • Sa pangunguna ng grupong Support Network for International Students ay muli silang nagtipon-tipon sa harap ng State Library sa Melbourne, Town Hall sa Sydney at pati na rin sa Canberra noong ika 11 ng Oktubre.
  • Tinatayang 20,000 estudyante ang apektado n g bagong polisa. Bukod sa age cap na 35 years old ay itinigil na rin ang pagbibigay ng extended post-study work rights para sa mga international graduates.

Share