Bahagi na ng buhay ng maraming Pilipino ang musika, kaya tuwing Pasko hindi maaaring mawala ang pagkanta, mapa-karoling man o sa tradisyonal o virtual choir pa.
"Kapag kami 'yung kumakanta mas nararamdaman siguro 'yung Christmas spirit. We are moved by music. Mas feel na feel ang Christmas spirit", masayang sabi ni Charisse Arpafo ng Himig Sandiwa Choir.
Mga highlight
- Maaaring mahirap nang gawin ang pisikal na pangangaroling sa panahong ito ng pandemya.
- Nauuso ngayon ang pagbuo ng mga virtual choir sa tulong ng teknolohiya.
- Sa mga awiting pamasko, may kanya-kanyang benepisyo ang pisikal na pagkanta sa koro na tulad ng Himig Sandiwa Choir at virtual choir, na tulad ng FilAus Virtual Choir.
Mga awiting pamasko
Mas ramdam ang diwa ng Pasko sa tuwing makakarinig ng mga awiting pamasko.
"Kapag Christmas, big in our culture 'yung music. Doon ko nafe-feel yung Christmas spirit kapag nakakarinig na ako ng Jose Mari Chan and other Christmas songs," puno ng saya ng lahad ni Charisse Arpafo.
At 'di tulad sa Pilipinas, hindi kasing-laki at saya ang pagdiriwang ng Pasko sa Australia.
"Mas nararamdaman 'yung Pasko 'pag kinakanta na 'yung mga songs. kasi hindi talaga kasing-festive dito compared sa Pinas. The only way to experience and feel na pasko na talaga is singing them or playing those Christmas songs," anang registered nurse na si Olivia Villanueva.At dahil nga panahon ng Pasko at sa gitna ng kinakaharap na limitasyon ng pagkilos dahil sa pandemya, nakakita ng pagkakataon ang IT professional na si Mae Atendido na bumuo ng isang virtual choir - ang FilAus Virtual Choir.
Several of the Himig Sandiwa Chorale members during the first Filipino community's 'Pasko Festival' at Tumbalong Park at Darling Harbour in Sydney. Source: Supplied by Mark Alarcio
"I always dreamt to be a part of a Filipino Choir because I'm missing OPM and even hymns. At the same time, nauso 'yung virtual choirs."
Bilang handog sa mga kababayan nitong Pasko, gumawa sila ng espesyal na bersyon ng awiting 'Pasko na Sinta ko', na kinanta ng kanilang 18-myembro na virtual choir.
Traditional choir vs virtual choir
"Gusto ko lang ng singing group, not necessarily sa church. Siguro 'yun na rin 'yung Divine Intervention. We found a group that will fulfill our need to sing, and have that sense of belonging," salaysay ni Giselle Goloy, nanguna sa pagbuo ng Himig Sandiwa Chorale.
Taong 2012 nang mabuo ang Himig Sandiwa Chorale na dating kilala sa tawag na Filipino Chaplaincy Chatswood Parish (FCCP) Vocal Ensemble.
"It's kind of a family, and the vibe of the choir is unique. It's more than just a choir, it's a support network," pahayag ni Ryan Balboa mula sa naturang koro sa Chatswood, NSW.
Madali naman ang pag-e-ensayo para sa pagkanta sa isang virtual choir at pati na rin ang produksyon nito basta may sapat na mga gamit.
"Iyong advantage ng virtual choir, meron kang aaralin na piyesa tapos talagang may sasabayan ka," ani Mark Alarcio na parehong myembro ng Himig Sandiwa at FilAus Virtual Choir.
"You can rehearse on your own time. When recording, you just have to find the quiet time to record. For the production, you have to have the talent to do video editing and audio engineering to put together the sound," says Brisbane-based Ria Gamboa of FilAus Virtual Choir.
The FilAus Virtual Choir in their first video production singing 'Pasko na Sinta ko'. Source: Supplied
BASAHIN DIN / PAKINGGAN