'Singing and songwriting are my life': Kilalanin ang batang kampeon sa singing at composing sa ACMF 2024

Savannah Mohini Cruz's Profile.jpg

Eight-year-old Savannah Mohini Cruz admitted that music has become an integral part of her life. She is determined to do everything she can to share it and bring joy to others. Credit: JR Cruz

Ayon sa kanyang mga magulang kahit noong nasa sinapupupunan pa si Mohini bigla itong sumisipa kapag may naririnig na tugtog, hanggang sa wala pang isang taong gulang natuto na itong kumanta. Natuto ding itong mag-compose at tumugtog ng iba't ibang musical instruments.


Key Points
  • Si Savannah Mohini Cruz o Mohini ay isang singer-songwriter at tumutugtog ng iba't ibang klaseng musical instruments.
  • Nakikipagsabayan si Mohini sa mga buskers sa Sydney CBD, magaling din ito sa academics at naglalaro ng golf. Todo suporta naman ang kanyang mga magulang na si JR at Janna Cruz.
  • Ang Australian Children's Music Foundation (ACMF) ay isang not-for-profit na organisasyong itinatag noong 2002 ni Don Spencer, isang kilalang Australian singer-songwriter. Layunin nitong magbigay ng inspirasyon, suporta, at pagkakataon sa mga kabataang Australians sa pamamagitan ng musika.
Higit isang taon pa lang sa Sydney ang pamilya ng batang si Savannah Mohini Cruz o mas kilalang si Mohini ng kanyang mga taga-pakinig.
Mohini's family.jpg
JR and Janna Cruz shared that they wholeheartedly support their only child, Mohini, as they want nothing more than to see her happy and fulfill her dreams. Credit: JR Cruz
Ayon sa kanyang mga magulang na sina JR at Jannah Cruz na parehong mula sa Bulacan, nasa sinapupunan pa lang ang kanilang nag-iisang anak ay ramdam na nilang mahilig itong sa musika dahil kapag maririnig nito ang isang partikular na kanta, sumisipa ito at malakas itong umiyak.

Ito din umano ang napansin ng kanilang mga nakilala sa Saudi Arabia, kung saan dating nagtatrabaho ang amang si JR bilang senior accountant sa isang malaking kumpanya, at guro naman ang asawang si Janna.
Mohini with musical instruments.jpg
Mohini inherited her love for music from her mother, Janna Cruz, who also became her mentor in songwriting and playing various musical instruments. Credit: Savannah Mohini/Facebook
Dagdag nito wala pang isang taong gulang si Mohini ay mahilig ng kumanta kaya ipinasok nila ito sa voice coaching at hanggang sa natuto na itong mag-compose ng sariling kanta.

Hands-on naman sa pagtuturo sa musical instruments ang inang si Janna, at ayon kay JR sa kanyang asawa namana ng anak ang kanyang pagkahilig sa musika.

Si Mohini ang itinanghal na kampeon sa K2 category ng National singing songwriting competition at spontaneous songwriting ng Australian Children's Music Foundation sa taong 2024.

Ang kanyang kanta ay pinamagatang, 'Bad Bullies'.
Mohini busking.jpg
According to her parents, it was eight-year-old Mohini’s idea to start busking in Sydney’s CBD. All the earnings she makes are being saved to help her achieve her dreams. Credit: JR Cruz
Bukod sa musika, magaling din ito sa academics. Ideya din ng bata ang mag-busking sa Sydney CBD bagay na kinagigiliwan ng marami.

Iniipon naman ng kanyang mga magulang ang kita ng bata para sa kanyang kinabukasan.
Mohini's performances.jpg
Mohini has already performed at various Filipino events in Sydney, and she dreams of holding her own concert one day. Credit: JR Cruz
Pangarap ni Mohini na makapagtapos ng pag-aaral at magkaroon ng sariling konsyerto balang araw.

Ito ngayon ang pinaghahandaan ng kanyang mga magulang na sila JR at Janna.

"Panalangin namin sa Diyos na gabayan si Mohini lalo na sa kanyang mga desisyon sa buhay, maging masaya siya at maabot ang kanyang mga pangarap, nandito lang kami para suportahan kung ano ang gusto niya,'.


Share