Key Points
- Ambassador De La Vega tumungo sa Broome, WA para ipagdiwang ang NAIDOC Week
- Instrumental din ang Manilamen sa pagpapalawak ng Kristiyanismo sa Kimberley at mga karatig-bayan.
- Binisita din ng Philippine Ambassador ang Sisters of St John of God Heritage Centre, kung saan may impormasyon patungkol sa kontirbusyon ng Manilamen sa Western Australia, partikular na sa pearling industry ng rehiyon.
sa ibang balita, Ka Doro, binigyang pugay dito sa Australya at Pilipinas
Pumanaw ang batikang periodista na si Amado Doronilla o kilala din bilang Ka Doro noong ika-7 ng Hulyo sa edad na 95 dito sa Canberra kasama ang kanyang pamilya.
Bumuhos ang mensahe ng pakikiramay at pagpupugay sa naging buhay ng beteranong manunulat mula dito sa Australya at Pilipinas.
Kamakailan lamang ay inulunsad niya ang ikalawang bahagi ng kanyang memoirs na pinamagatang ‘Doro: Behind the Byline.’
Naging editor si Doronilla ng Manila Chronicle bago tumungo ng Australya noong Martial Law. Habang na sa Australya ay nagsulat si Ka Doro para sa The Age sa Melbourne. Nagbalik siya sa Pilipinas para muling sumulat sa Manila Chronicle, Manila Times at Philippine Daily Inquirer.
LISTEN TO
From Broome to Marinduque, in search for family
SBS Filipino
02/11/201607:16
LISTEN TO
Pagdiriwang sa ika-95 taon kaarawan ni Doro
SBS Filipino
10/02/202313:01