'Parting at Calamba’: Pamamaalam ni Dr Jose Rizal sa kanyang pamilya isasadula ng mga Fil-Aussie sa Sydney

Parting at Calamba casts.jfif

The 'Parting at Calamba' cast includes talented actors from L-R Seeyan Ricardo as Alfredo, Grazie Panlican as Trinidad, Marilyn Mendez as Doña Teodora, Chloe Lofthouse as Adela, Jinky Trijo-Marsh as Saturnina and Raffy Palma as Dr Jose Rizal. Two other cast members not included in the photo are Tom Baena as Padre Dalmacio and Aubrey Abrenica as Soledad. Credit: Director Chi De Jesus

Tuklasin ang madamdaming tagpo sa historical fiction tungkol sa huling yugto ng buhay ni Dr Jose Rizal bago siya barilin sa Bagumbayan.


Key Points
  • Inatasan ng Philippine Consulate Sydney si Direk Chi De Jesus ang Creative Head ng Monster Minds Creative services na maghanap at mag-produce ng isang theatre play para sa presentasyon sa taong 2024.
  • Itatanghal ang dula sa ika-12 ng Disyembre 2024, alas 6:00 PM sa Vine Church Hall sa Surry Hills, New South Whales.
  • Ang 'Parting at Calamba' ay isinulat ng National Artist na si Severino Montano. Umiikot ang kwento sa pagmamahal, pamamaalam ni Dr Jose Rizal sa pamilya, at pagmamahal sa bayan higit pa sarili. Isang buong taon ang ginugol ni Direk Chi De Jesus para matuloy ang produksyon pati ang pagpili ng mga aktor sa pamamagitan ng audition.
Emosyonal sa panayam ng SBS Filipino ang direktor na si Chi De Jesus.
Kwento niya lahat ng tao ay makaka-relate sa kwento ng 'Parting at Calamba' ni Dr Jose Rizal.

"I think it's very poignant because everyone can relate to it because everyone belongs to a family especially a relation between a son and a mother and a daughter and even relationship with each other as siblings,

I think it's a brilliant representation of what the Philippines need to acknowledge that iba iba man ang gustong mangyari ng mga tao around you but it all boils down to the main reason which is for your own welfare, saad pa nito.
Director Chi De Jesus.jpg
The Philippine Consulate in Sydney assigned Chi De Jesus, the Creative Head of Monster Minds Creative Services, to find and produce a theatre play for the 2024 presentation. Credit: Annalyn Violata
Ayon kay Director De Jesus umabot sa isang taon ang kanilang paghahanda para mahanap ang kwento at mapili ang mga aktor na gaganap sa madamdaming pagsasadula sa pamamagitan ng malawakang audition sa Filipino community.

Dagdag nito mahalaga ang dulang ito dahil ang karanasan ni Dr Jose Rizal ay sumasalamin sa buhay at karanasan ng maraming Pilipino hanggang ngayon.

"The story of Dr Jose Rizal has to be discussed every so often, kasi maraming bagay na maaaring matutunan or maintindihan tungkol sa atin bilang Pilipino, especially yung mga tao na who have experienced migration."
Chloe and Seeyan.jpg
The actors of 'Parting at Calamba' include (L-R) Chloe Lofthouse as Adela (Dr. Jose Rizal's niece) and Seeyan Ricardo as Alfredo (Dr. Rizal's nephew). Credit: Annalyn Violata
Pambansang Bayani si Dr Jose Rizal at para sa bagong henerasyon tulad ng mga batang si Seeyan Ricardo at Chloe Lofthouse may ideya na sila kung paano maging bayani sa modernong panahon.

"I could help people, I could donate things that I don't really need to charity, " pagbahagi ni Seeyan.

At sa panahon ng mga kalamidad o sakuna.

"We can raise money for all the people in Philippines," masayang saad ng beauty queen na si Chloe.
Raffy and Marilyn.jpg
The actors of 'Parting at Calamba' include (L-R) Raffy Palma as Dr Jose Rizal and Marilyn Mendez as Doña Teodora, Rizal's mother. Credit: Annalyn Violata
Hindi naman inaasahan ng Solicitor na si Raffy Palma na makuha ang role dahil ito ang unang pagkakataon na umarte sa teatro. Pero naniniwala ito na napaka-importante na malaman ang bagong henerasyon ang kasaysayan ng Pilipinas at kung paano maging bayani sa nakapalibot.

"The most valuable thing that we have now is our time if we're willing to devote our time to help each other out thats invaluable."

Samantala may panawagan ang retired singer, myembro ng Kababaihang Rizalista at may adbokasiya laban sa domestic violence na si Marilyn Mendez, sabi niya dapat magka-isa ang mga Pilipino.

"Back us up with this advocacy... we need to promote our culture, sabi ni Mendez.
Grazie and Jinkie.jpg
The actors of 'Parting at Calamba' include (L-R) Grazie Panlican as Trinidad Rizal's sister and Jinky Trijo-Mash as Saturnina Rizal's eldest sister. Credit: Annalyn Violata
Ayon naman sa isang broadkaster na si Grazie Panlican, tulad ni Rizal dapat makialam at makibahagi para sa kabutihan ng nakararami.

"Hindi dahilan na wala ka na sa Pilipinas para di mo maramdaman na isa ka pa ring Filipino ito yung dahilan kaya
tayo sa Australia patuloy pa rin tayong nagiging involved sa mga Filipino events para ma-promote yung kultura natin especially yung ating mga kaugalian.

"Especially, dito sa [kasaysayan] nakafocus yung family, how important it is na even at the end of our days kasama natin yung pinaka-importante sa ating buhay which is our family."

Samantala, bilang si Saturnina ang pinakamatandang kapatid ni Dr Jose Rizal, sabi ni Jinky Trijo-Mash dito niya nakita ang tunay na pagmamahal ng kapatid sa pamilya.

"She is very protective and very family orientated woman and then she value families and being united and just having peaceful life.

Kaya mahalagang mapanood ang dula para magkaroon ng pagkakakilanlan na sila ay Pilipino.

"Para mapalaganap ang magandang kaugalian tulad ni Rizal na na-impluwensya ng buong pamilya."

Huling paalala ni Director Chi De Jesus sa lahat ng mga Pilipino hindi lang dito sa Australia.

"Everyone has the right to happiness, the right to a good sleep, peace and it will not happen if you don't do anything about it because these are important things that is worth your life your time and your existence."

Share