'Diwa': Kwento ng apat na Pilipinong lider sa kanilang papel sa pagbuo ng komunidad sa Australia

Diwa final.jpg

Sydney-based artists (photos from right) Tamara Lee Bailey, Teresa Tate Britten, John Gomez Goodway and Nova Raboy brought life to the story of the four Filipino community leaders featured in 'Diwa', written by Jordan Shea and directed by Kenneth Moraleda. Credit: SBS Filipino and Teresita Tate Britten (Instagram)

Mula Parramatta NSW hanggang Doveton at Footscray sa Victoria hanggang sa Queensland, naglakbay ang manunulat na si Jordan Shea upang marinig ang mga kwento ng mga Pilipino sa Australia at ang mahalagang papel na ginampanan nila sa komunidad.


Key Points
  • Ang 'Diwa' ay kuwento ng apat na estranghero na nagsama-sama upang makabuo ng isang komunidad sa pamamagitan ng pagpapakita ng sarili nilang kagalingan at pagkatao.
  • Kinomisyon at sinuportahan ng Australian Plays Transform at Performing Lines, ang dula na 'Diwa' ay tungkol sa magkakaugnay na mga kuwento ng apat na pinuno ng komunidad Pilipino, kabilang sina Alfred Nicdao, Melba Marginson at Norminda Forteza.
  • Binigyang-buhay sa entablado ng mga artistang sina Teresa Tate Britten, Tamara Lee Bailey, John Gomez Goodway at Nova Raboy ang mga kuwento ng apat na lider.
LISTEN TO THE PODCAST
Diwa: Jordy Shea_Nova Raboy_Tamara Lee Bailey image

'Diwa' weaves together four narratives of Filipino community leaders, to create a captivating sense of community

36:25

Filipino diaspora

"As the third Asian diaspora in Australia, at some point throughout your day, you will walk past a Filipino person who will hold a story and I always thought we're just looking through these stories," bigay-diin ng manunulat na si Jordan Shea.

Naniniwala si Shea, na isa ring Educator, na malaking bilang ng mga Pilipino sa Australia, ang bawat isa sa mga ito ay may iba't ibang kwento na maaaring nagpabago sa lipunan.

"The world is made up of people who changed the world and through going all around the country I was able to discover that that's true."

Bago pa man ang pinakabagong obra ni Shea, matagal na nitong hangad na maibahagi sa buong Australia ang mga kwento ng mga migranteng Pilipino sa bansa.
Jordan Shea.jpg
Writer Jordan Shea (right, in black shirt), with director Kenneth Moraleda (second from right) and the 'Diwa' actors. Credit: Samuel Webster via Jordan Shea (Facebook)

'Diwa'

Sa kanyang naging pag-ikot sa iba't ibang lugar sa Australia at sa mga panayam, nabigyang inspirasyon ang dulang 'Diwa', pinag-tagpi-tagping kwento ng apat na napiling mga Pilipino lider.

"In 2022, I travelled across Australia to interview community leaders who have created a community through their love of work."

"I aimed to make epitopes for the [Filipino] community, by the community and performed by the community.

"It is a theatre piece shown on April 19 in Sydney and was developed with the support of Australian Plays Transform and Performing Lines."

Bago ipinalabas ang dula sa teatro nagkaroon muna ng tatlong araw na "development" sa tulong ng Creative NSW.
Nova Jordan Tamara.jpg
Multi-disciplinary Australian-Filipina artist, Tamara Lee Bailey (right), and artist Nova Raboy (left) with Jordan Shea. Credit: SBS Filipino

Mga talento

“Alam natin na napakarami nating kwento, na pwede nating ibigay at ipakita sa buong mundo and not just in Australia," ani Nova Raboy.

"Kwento ng mga Pilipino na nag-migrate dito [sa Australia]. Anong mga hamon, problema [na kinaharap], mga pinagdaan at anong naging buhay natin ngayon."

Lubos na ipinagmamalaki ng ina at baguhang artist mula Sydney na mapabilang sa mga gumanap para sa dulang 'Diwa'.

“The explosion of talents [of Filipinos in Australia] is just incredible, from new to emerging and seasoned artists, and I am just so proud to be part of it."

Pangunahing gumanap sa 'Diwa' ang mga artist na si Tamara Lee Bailey, Teresa Tate Britten at John Gomez Goodway, kasama rin ang aktres na si Amanda Magpulong sa direksyon ni Kenneth Moraleda at assistant Direction nila Aubrey Flood at Rizcel Gagawanan. Hatid naman ni How Ngean Lim ang Dramaturgy.
Diwa development.jpg
'Diwa' cast and productions during one of the three days of story development sessions in Sydney. Credit: Samuel Webster via Jordan Shea (Facebook)

Tunay na buhay

Binigyang-buhay ng apat na aktor ang natatanging kwento ng apat na Pilipinong lider kasama ang mga taga-Victoria na sina Alfred Nicdao, Melba Marginson at Norminda Forteza.

Si Melba Marginson ay malawak ang naging pagtataguyod sa mga kababaihang migrante at refugee sa Victoria at buong Australia lalo na para sa mga biktima ng karahasan sa tahanan.

Si Alfred Nicdao ang unang Pilipinong aktor na lumabas sa telebisyon sa Australia. Kilala siya sa kanyang mga pagganap sa Australian soap opera na Neighbours at Tomorrow When the War Began.

Kilala naman si Norminda Forteza sa kanyang serbisyo sa mga matatanda lalo na para sa mga pasyenteng may dementia.

Hangarin

Gumanap naman ang multi-disciplinary artist na si Tamara Lee Bailey sa tauhang si "Karl", isang myembro ng NSW Police Force. Ang karakter na ito ay kumbinasyon ng ilang mga tao at sa katauhan nito siya ay nangalap ng pondo para sa mga biktima ng bagyong Haiyan - ang pinakamalakas na bagyo na tumama sa Pilipinas noong 2013.

"It's exciting to hear and share his story. It's so different from who I am that's why it's such a privilege to stand in his shoes but see the impact he has made in Australia that often goes unseen," pahayag ni Bailey.

"It's so enriching to go to the psyche of these characters of real people and these are real Filipino Australian stories that resonate so much with me, to my experience growing up."

Umaasa naman ang manunulat na si Jordan Shea na matapos ng kanilang isang araw na palabas sa teatro ay magkaroon ng interes ang sinumang producer na ipalabas ito hindi lang sa Australia kundi sa iba't ibang panig ng mundo.

Share