Key Points
- "Ang 'Stop it at the Start' ay isang kampanya ng Pamahalaan ng Australia na naglalayong hikayatin ang mga nakatatanda na makipag-usap sa mga kabataan tungkol sa respeto.
- Dapat maging mulat ang mga magulang at tagapag-alaga sa paraan ng kanilang pakikipag-usap at pagpapakita ng magalang na relasyon.
- Dapat maging mulat ang mga magulang at carers sa paraan ng kanilang pakikipag-usap at pagpapakita ng respeto sa relasyon.
Babala: Ang nilalaman na ito ay may mga detalye tungkol sa isang kaso ng domestic violence na maaaring makabahala o makasakit ng damdamin.
Ang domestic violence ay hindi nagsisimula sa isang pananakit lamang, madalas itong nagsisimula sa mga senyales tulad ng kawalang respeto, ang ugaling controlling, at emotional abuse na maaaring hindi mo napapansin.
Ang pagtigil sa karahasang ito ay hindi lamang tungkol sa pagresponde sa worst case scenarios. Ito ay tungkol sa pag-iwas bago pa man ito lumala at maging mas seryoso.
Ayon kay Arman Abrahimzadeh isang Adelaide based anti-domestic violence campaigner at advocate para maiwasan ang domestic violence.
Ang kanyang misyon ay nagsimula sa personal na trahedya ng kanyang buhay.
Dumating kami sa punto na kailangan naming mag-impake at lisanin ang bahay dahil ayaw naming ilagay sa panganib ang aming sarili. Akala ko noong nakaalis na kami, tapos na ang mga pagsubok.Arman Abrahimzadeh
Naniniwala si Abrahimzadeh na ang pag-alis sa isang tahanan kung saan karaniwan na ang mga banta at madalas mangyari ang physical abuse ay magiging simula ng isang bagong kabanata at ang walang katapusang pamumuhay sa takot para sa kanilang kaligtasan.
Nang lumayas sila sa bahay, nakaranas ng matinding kahirapan, homelessness at kalungkutan ang ina, kasama ang mga kapatid ni Abrahimzadeh.
Marso 2010 sa Adelaide Convention Centre, dumalo sa Persian New Year function ang kanyang ina at mga babaeng kapatid di nila alam naroon din ang kanilang ama.
Ang kanyang ina ay sinaksak ng kanyang ama sa mismong harap ng kanyang kapatid at higit 300 katao na naroon sa event.
Arman Abrahimzadeh with his late mother Zahra Abrahimzadeh. Credit: Arman Abrahimzadeh
Mga dapat gawin at bantayan:
- Bigyang-pansin ang mga early warning signs, tulad ng pagiging gender bias, may mapanindak na ugali, controlling at kawalan ng respeto.
- Pagpapakita ng respeto sa loob ng bahay, real good model mga bata, dahil ayon sa research, ginagaya ng mga bata ang nakikitang ginagawa ng magulang.
Parents and carers should be aware of how they communicate and demonstrate respectful relationships. Source: iStockphoto / Jacob Wackerhausen/Getty Images
- Dapat matutunan ng mga magulang ang two-way approach sa pagkikipag-usap sa mga anak (open communication) at iwasang ipakita ang agresibo, mapanghusga, abusive na pag-uugali.
- Ang pag-uusap tungkol sa empathy, respeto, at pagkakapantay-pantay ay dapat maging bahagi ng pang-araw-araw na buhay.
- Bantayan ang mga pinanonood ng mga bata sa online o social media, dahil posibleng maturuan sila ng maling impormasyon tulad ng pagiging bastos o kawalan ng respeto sa iba pati sa relasyon.
Young people tend to mimic the behaviour they see in their family homes, adopt it, and consider it normal. Credit: Phynart Studio/Getty Images
- Giit ng mga eksperto malaki ang papel ng magulang at mga guro sa pagpapaunlad ng kultura ng respeto sa mga bata hindi lamang sa buhay pati rin online dahil sa impluwensyang dala nito.
Maaaring makita ang mga unang palatandaan sa mga gender stereotype, nakakatakot at mapang-kontrol na ugali, o kawalan ng respeto sa iba—na minsan ay mas pinalalala pa ng content sa internet o ilang biro.Danny Mikati
- Ang modern technologies ay madaling nakakaapekto sa pag-uugali ng mga bata, gaya ng walang respeto at abusive behaviours , lalot sa isang pindot lang na-aacess na ito ng sinuman.
- Ang pagpigil sa karahasan ang susi kaya dapat ipakita ng mga magulang sa kabataan kung ano ang hitsura ng healthy relationship bago pa man mag-ugat ang mapanirang pag-uugali.
Parents, teachers, guardians, and carers should become better equipped to recognise and address signs of disrespect and guide their children towards understanding healthy relationships. Source: iStockphoto / dusanpetkovic/Getty Images/iStockphoto
Stop it at the Start
Ipinatupad ng Australian Government ang kampanyang upang labanan ang domestic violence sa komunidad.
- Hinihikayat ang mga magulang, guro, at tagapag-alaga na maging mas handa sa pag-alam ng mga senyales ng kawalang-galang at turuan ang mga bata tungkol sa tamang pakikitungo sa relasyon.
- Payo din ng mga eksperto magsimula sa paglikha ng environment na open conversation at pagtatanong.
- Kailangan din na agad umaksyon agad o ipagbigay alam sa awtoridad ang mga nasaksihang mali sa paligid tulad ng family o domestic violence.
Ang "Stop it at the Start" campaign ay nag-aalok ng mga mapagkukunan para sa mga miyembro ng komunidad sa mga wikang hindi Ingles.
Kung ikaw o may kilala kang apektado ng sexual assault o domestic violence o family violence, tumawag sa 1800RESPECT sa 1800 737 732 o Lifeline sa 13 11 14.
Ang episode na ito ng Australia Explained ay nilikha bilang bahagi ng pakikipagtulungan sa 'Stop it at the Start' na isang programa ng Australian Government.