Naghahanda na ang ilang mga temporary visa holders sa kanilang pagbabalik sa Australia.
Ayon sa registered migration agent na si Johanna Nonato, marami nang kliyente ang nagtatanong dahil bukod sa student visa, ilang temporary visa ang kabilang sa makakapasok ng walang travel exemption.
"Starting December 1, yung mga temporary visa holders pwede nang pumasok kasi diba beforehand kailangan nila ng travel exemption, hindi lahat nakakapasok without travel exemption. Una ang mga student visa, so makakapasok na sila without travel exemption. Mga work visa holders, 482, 457 kung meron pa kasi 457 moved into 482 visa, graduate visa ito yung mga nag-aral dito tapos they move on from student to graduate visa. Yung 494 naman regional visa, meron din parent visa na 870 na long term yan makakapasok and then the rest mga refugee visa na."
Bukod sa mga may skilled at student visa, makakapasok rin ang ilang humanitarian, temporary protection, at prospective visa holders.
Highlights
- Bukas na simula a-uno ng Disyembre ang Australia sa 28 subclasses kabilang ang student visa bilang bahagi ng reopening phase ng bansa.
- Victoria, New South Wales at Australian Capital Territory ang pinapayagang pumasok sa Australia ng wala nang quarantine basta fully vaccinated.
- Tinatayang mahigit dalawang daang libong fully vaccinated na international students, skilled migrants, refugees at iba pa na makakapasok sa bansa simula a-uno ng Disyembre.
Pakinggan ang podcast
LISTEN TO
Mga visa holders naghahanda na sa kanilang pagbabalik sa Australia
SBS Filipino
25/11/202109:33
Ang mga refugee visa na kasama ay subclass 200, subclass 201 (country special humanitarian visa), subclass 202 (global special humanitarian visa), subclass 203 (emergency rescue visa) at subclass 204 (woman at risk visa).
Ilan pa sa eligible visa ay ang subclass 300 o prospective marriage visa, subclass 417 o working holiday visa, subclass 489 skilled regional visa, subclass 491 (skilled work regional visa), subclass 461 (New Zealand citizen family relationship visa), subclass 462 work and holiday visa, subclass 785 temporary protection visa, subclass 790 safe haven enterprise visa, subclass 988 (maritime crew visa) at subclass 403 temporary work (international relations) visa.
Bago pa man ang balitang pagbubukas simula Disyembre a-uno para sa mga iba’t ibang visa ay nakatanggap na ng eligibility na makapasok ng Australia si Patty Cayetano sa ilalim ng international student plan noong unang linggo ng Nobyembre pa lang.
"I cried, i was reading the email so blurry yung eyes ko so pinabasa ko sa sister ko tama ba yung binabasa ko? Relief din siya kasi since naglockdown may anxiety yung uncertainty, i was in the middle of itutuloy ko pa ba? Or wag na lang eh mahal din ang tuition and i quit my job kasi I thought pupunta na ako sa Australia."