Highlights
- Ayon sa registered migration agent na si Em Tanag, kailangan mag-sumite muna ng tourist visa application bago ang travel exemption.
- Victoria, New South Wales at Australian Capital Territory ang pinapayagang pumasok sa Australia ng wala nang quarantine basta fully vaccinated.
- Payo ni Chris Centeno, managing director ng my travel solution sa lahat ng mga papasok ng Australia na masusing basahin ang lahat ng rules and restrictions ng bawat destinasyon kabilang ang mga lay-over sa mismong mga website nito o tumawag sa nakalaang hotline.
"Syempre excited ako. Wala pang November 1 inapply ko na yung travel exemption, consider na nila na wala payatang one week bago ko nareceive ung exemption ko parang 5 days lang yata. Kinabukasan nun naexempt na sila."
Matinding saya ang nararamdaman ni Joy Caguimbal, isang Filipino-Australian sa Ballarat, Victoria sa balitang aprubado na ang visa at travel exemption ng mga magulang.
Pakinggan ang podcast
LISTEN TO
Ano ba ang proseso sakaling makatapak na sa Australya matapos maaprubahan ang visa at travel exemption?
SBS Filipino
18/11/202107:43
Natanggap din ni Joy kasabay ng ticket ang mga guidelines na dapat sundin gaya ng negatibong PCR test, 72 hours bago ang flight.
Sa kasalukuyan, ang Victoria, New South Wales at Australian Capital Territory ang pinapayagang pumasok sa Australia ng wala nang quarantine basta ikaw ay fully vaccinated.
Aprubado ng Therapeutic Goods Administration ang AstraZeneca, Pfizer, Moderna, Sinovac, Sinopharm, Bharat at Johnson and Johnson vaccine.
Sa iba pang estado gaya ng Queensland, South Australia, Tasmania, Western Australia, kinakailangan pa ang labing-apat na araw na quarantine sa nominadong hotel ng estado at ikaw mismo ang magbabayad.
Sasailalim din sa covid tests habang nasa quarantine hanggang matapos ito. Dapat ding mag-apply ng international o cross border arrival registration na iba-iba bawat estado.
Payo ni Chris Centeno, managing director ng my travel solution sa lahat ng mga papasok ng Australia na masusing basahin ang lahat ng rules and restrictions ng bawat destinasyon kabilang ang mga lay-over sa mismong mga website nito o tumawag sa nakalaang hotline.
"For returning to Australia if you are fully vaccinated you do not have to quarantine upon return however, when you arrive at your port of entry or international gateway either Sydney or Melbourne, you must still return a negative PCR test."
Isa lang si Joy sa mga Pinoy na nangungulila sa mga mahal sa buhay at nais makapiling lalo pa’t magpapasko.
Kaya malaki ang pasalamat nya sa pagbubukas ng Australia sa tsansang muling makapiling ang mga magulang.