Mga pagkain at inuming Pinoy bida sa isang Australian tavern Sydney

Lone  Pine Tavern photo.jpg

An Australian-owned family-friendly pub Lone Pine Tavern in Sydney features Filipino dishes through their Pinoy Pop-Up Menu, highlighting Filipino culture and heritage. Source: Lone Pine Tavern

Atsara, adobong pusit, lechon belly, pork barbeque, at calamansi margarita ilan lang ito sa maaaring matikman sa isang family-friendly pub sa Sydney.


Key Points
  • Inpirasyon ng Pinoy Pop-up menu ay ang pagsasama-sama ng mga Filipino community sa lugar
  • Mga Pilipino at Aussie chef ang nagtulungan para mabuo ang Pinoy Pop-up menu sa tavern
  • Ayon sa mga eksperto ang pagsasalu-salo o bonding ay nagbibigay ng maraming benepisyo sa katauhan ng isang tao at sa relasyon nito sa iba
Sa panayam ng SBS Filipino sa Head Chef na si Jason Lucas nakita nila na maraming Pilipino ang dumadalaw sa kanilang kainan. Nais din nilang maging bahagi sa pang araw-araw nilang pamumuhay dito sa Australia.

Napag-isipan nito na kausapin ang mga kasamang chef tungkol sa pagkaing Pinoy lalo't karamihan sa mga chef at empleyado ng establisamento ay mga Pilipino.

"I spoke to the chefs asking them about the food that their grandparents used to feed them, that could bring memories to them and we can translate and give memories to the customers as well," kwento ni Chef Jason.
tavern foods.jpg
Pinoy Pop-up menu showcases Filipino dishes and tasty drinks. Source: Lone Pine Tavern
Dito nabuo ang Pinoy Pop-Up menu ng tavern. Kabilang sa kanilang mga inihaing pagkaing Pinoy ang bistek, lechon belly, lechon manok, adobong pusit, barbeque, atsar, adobong pusit at marami pang iba.

Ayon sa Pilipinong Chef na si John Christian Bejarin, laking karangalan nila na maisama ang mga kinagisnang pagkain sa Pilipinas sa kanilang niluluto dito sa Australia.

Sigurado umanong maaalala ng mga Pinoy ang street food at iba pang putahe sa bansa.

" Inadjust natin na maging Australian taste pero hindi na-compromise ang lasang Pinoy, mas pinasarap namin tapos may presentation ang pagkain," masayang kwento ni John.
Tavern Drinks.jpg
Bananarama and Mandarin madness Source: Lone Pine Tavern
Maliban sa pagkain, nariyan din ang mga inumin na ginawa na may halong tatak Pinoy na sangkap. Makikita ang lahat ng ito sa menu card na nakasulat sa wikang Tagalog.
Tavern Pinoy Menu.jpg
The Pinoy Pop-up menu card. Source: Lone Pine Tavern
Ayon naman sa baertender na si Brent Tozer naghanap sila ng supplier sa ibang estado at ibang bansa para maging tatak Pinoy ang kanilang inumin. Kabilang sa inihahalo ay ang mangga, saging at calamansi.

" Just add it to a normal margarita and mixture of Mexican sweetener."

Dagdag naman ni Carly Finch na nangasiwa sa lugar, marami di silang ginawang renovation sa lugar para maging at-home ang mga bisita, lalo na ang mga galing sa kontinente ng Asya.

" We just did a little bit of everything for everybody. Having a strong Filipino community, it just makes total sense for us to bring that community together with our love of cooking and bringing food to people. It is all about food and Filipino values like sharing," saad ni Finch.
Tavern adobong pusit.jpg
Adobong pusit is one of the Filipino dish served in the tavern. Source: Lone Pine Tavern
Dagdag ni Dave Tan, may lugar kung saan maaaring dalhin ang mga bata at nakakatandang myembro na pamilya. Natakam din ito sa mga lutong Pinoy na sa unang pagkakataon ay kanyang natikman.

" It has a nice touch of Filipino tastes to it, especially the pork skewers it's something different. It's rare to see someone or this establishment to showcases Filipino food, It's like a proud Pinoy moment."

Si Kate Sarkar namana maliban sa lasa, namangha sya sa presentasyon ng mga pagkain.

"When you see and taste the food it's really Filipino food at kapag nakita mo sya you'll definitely admire that Filipino food can be served in this way."

Ayon sa mga eksperto ang family bonding o pagsasalu-salo ay bahagi na ng kulturang Pilipino at may magandang maidudulot sa tao.

Katulad ng mas mabuo ang kompyansa sa bawat isa, maayos na relasyon at may magandang epekto sa pag-aaral ng mga bata.

Lalo't nauukit sa kanilang puso at isipan ang masasayang sandali ng kanilang buhay.

Share