SBS Examines: Mga migrante sa Australia, hirap pa ring makahanap ng trabaho na tugma sa kanilang kasanayan

Taxi driver talking to client

Many skilled migrants end up working in manual jobs with low qualifications. Source: Getty / Hinterhaus Productions

Halos kalahati ng mga kararating lang na migrante sa Australia ang nagtatrabaho na mas mababa sa kanilang skill level. Pero ayon sa iba't ibang ulat, nakararanas pa rin ng skills shortage ang bansa.


Aabot sa mahigit 600,000 na migrante sa Australia ang nagtatrabaho na mas mababa sa kanilang skill level, ayon sa ulat ng Settlement Services International.

“44 per cent of migrants are underutilised in Australia, and that’s a really big lost opportunity when a third of all our occupations across the nation are in shortage," saad ni Lily Jiang, SSI's Activiate Australia Skills campaign manager.

“From the stories that we see and a lot of the data that we see, they end up in a lot of cleaning jobs, hospitality roles, a lot of non-permanent work like rideshare driving, taxi driving, those kinds of roles.”

Base sa ulat ng SSI, kung ang mga migranteng manggagawa ay makakapasok sa mga trabaho na tumutugma sa kanilang kasanayan, katulad ng mga manggagawang ipinanganak sa Australia, aabot sa $70 bilyon na economic activity ang mabubuo sa loob ng sampung taon.

Ang episode na ito ng SBS Examines ay tinatalakay ang dahilan kung bakit nahihirapan ang mga migrante na makahanap ng trabaho na naaayon sa kanilang mga kasanayan — at ano ang epekto nito sa Australia.

Share