SBS Examines: Maling impormasyon, Racism at Referendum

Referendum misinformation web banner.jpg

The referendum has made some Aboriginal and Torres Strait Islander people question their sense of belonging in Australia. Credit: Getty/Supplied

Ang maling impormasyon at disimpormasyon ay laganap noong referendum at ang mga epekto nito ay nararamdaman pa rin isang taon na ang lumipas.


Noong kampanya ng referendum, nag-umpisa si Conor Bowden, isang Tagalaka at Gumatj, na mag-post ng educational videos tungkol sa Voice to Parliament sa kanyang social media.

Naobserbahan niyang marami ang kumakalat na maling impormasyon.

"Instead of me just being able to teach and pass knowledge on, it was thwarted with me having to undo all these lies that people had been told," sabi ni Bowden.

Tumaas ang racism laban sa mga Aboriginal at Torres Strait Islander sa panahon ng referendum na nag-iwan sa ilan na hindi sigurado sa kanilang lugar sa bansa.

"I do believe that the referendum result has given certain cohorts within the community a sense of freedom to perpetuate racism, racial hatred and racial vilification," ayon kay Aboriginal at Torres Strait Islander Social Justice Commissioner Katie Kiss.

Ang episode na ito ng SBS Examines ay sumasalamin, isang taon na ang lumipas, sa referendum sa Voice to Parliament at ang epekto ng maling impormasyon sa pagkabigo nito.
Related content:

SBS Examines


Share