Lumalaking komunidad ng Filipino sa Tasmania, magdiriwang ng Pasko sa pamamagitan ng 'Paskuhan Fiesta'

Tass.jpg

The growing Filipino community in Tasmania. Credit: Philippine-Australia Community of Tasmania, Inc.

Ang 'Paskuhan Fiesta in Tassie 2023' ay gaganapin sa Sabado, ika-02 ng Disyembre sa Montrose Bay Yacht Club, Foreshore Road, Rosetta Tasmania.


Key Points
  • Ang Philippines-Australia Community of Tasmania Inc (PACT Inc.) na dating kilala bilang Philippine Cultural Society ay nagsimula bilang isang napakaliit na grupo ng mga Filipino-Australian noong 1976.
  • Ang PACT Inc. ay isang organisasyon na layuning itaguyod ang pangangalaga at pag-unlad ng mga halaga, wika/diyalekto, tradisyon, at kultura ng komunidad ng mga Filipino-Australyano.
  • Ang 'Paskuhan Fiesta in Tassie 2023' ay layong itaguyod ang mga tradisyon ng Pasko sa Filipino sa pamamagitan ng pagkain, kultural na mga pagtatanghal, laro, at raffle.
Sa panayam ng SBS Filipino, ibinahagi ng Pangulo ng Philippines-Australia Community of Tasmania Inc (PACT Inc.) na si Jysoh Polea-Vizcarra ang mga detalye ng Paskuhan Fiesta 2023 sa Tassie at kung bakit mahalaga ito sa patuloy na dumadaming bilang ng mga Filipino sa nasabing estado.

Share