Isang Pinoy high school student pinapaalis sa Australia bago ang final exams

High school student Sky Camarce has been told he has to leave Australia before he can complete his HSC (Supplied).jpg

High school student Sky Camarce has been told he has to leave Australia before he can complete his HSC

Sinabihan ng Department of Home Affairs ang high school student na si Sky Camarce na umalis ng bansa bago pa niya matapos ang kanyang High School Certificate o HSC. Na-refuse ang kanyang visa dahil sa ilang umiiral na patakaran na ayon sa Immigration Advice and Rights Centre ay dapat suriin ng pamahalaan.


Key Points
  • Mula Pilipinas, nakabase sa UAE ang pamilya ni Sky Camarce bago sya nagpunta ng Australia bilang dependent o secondary visa holder sa student visa ng kanyang ina na isang Nursing student.
  • Nagrenew sila ng visa ngayong taon pero umabot na sa edad na 18 si Sky bago nila natanggap ang resulta ng aplikasyon.
  • Ilang linggo bago ang pagsusulit sa High School Certificate at graduation, inatasan si Sky na umalis sa Australia dahil hindi na angkop ang kanyang edad para sa visa.

Share