Ilang Pinoy na nakibahagi sa FECCA Conference 2024, iginiit ang mahalagang papel ng mga migrante sa Australia

ito.jpg

Filipino participants in the FECCA Conference 2024 included Shirley Nield, Joie Serrano, Lee Plowman, and the Australian-Filipino Community Services led by Corina Dutlow and Arcangel Ocampo. Credit: Cristina Magbojos

Nakapanayam ng SBS Filipino ang ilang migranteng Pilipino na delegado sa FECCA Conference 2024 at inilatag ang kanilang partisipasyon.


Key Points
  • Ang FECCA o Federation of Ethnic Communities'​ Councils of Australia ay nagsasagawa ng conference taun-taon sa iba't ibang bahagi ng bansa upang talakayin ang mga isyu ng multiculturalism.
  • Isa sa dumalo mula Australian Red Cross Connected Women sa Darwin, Northern Territory si Lee Plowman na sinabing malaking bagay na ibahagi ang katangian ng mga Pinoy sa Australia gaya ng pag-aalaga.
  • Inimbitahan bilang panelist sa isang talakayan sa kalusugan si Shirley Nield na kinuha na rin anya ang pagkakataon na makipag-ugnayan sa multicultural community.
  • Mula naman Melbourne, bumiyahe sa Brisbane ang Australian-Filipino Community Services sa pangunguna ni Corina Dutlow at Arcangel Ocampo.
  • Kaagapay ng FECCA 2024 ang Ethnic Communities Council of Queensland at isa sa miyembro nito ang Pinay na na si Joie Serrano.

Share