Key Points
- Aabot sa mahigit 80 na komunidad sa estado ng Victoria ang nagsama sama para suportahan ang Indigenous Voice to Parliament sa nalalapit na referendum para dito.
- Nasa 60% ng mga mamamayan ng Australia na nagsasalita ng ibang wika bukod sa Ingles sa kanilang mga tahanan ay tila aprubado ang tanong sa paparating na referendum base sa pinakabagong tala.
- Patuloy naman ang pagkontra ng oposisyon sa Voice at sinabing kulang sa paliwanag ang gobyernong Albanese.