Key Points
- Layunin nito bigyan ng impormasyon ang mga Filipino-Australians sa nalalapit ng referendum vote sa katapusan ng taon.
- Ilan sa mga isyung tinalakay ay ang pagpapakalat ng tamang impormasyon at ang kahalagahan ng recognition at representation ng First Nations Peoples sa Parliamento.
- Kabilang sa mga panelist si Fred Leftwich mula sa Aboriginal and Torres Strait Islander Commission and the Council for Aboriginal Reconciliation.
Sa ibang balita, mga IT professionals sa ACT bumuo ng Filipino organisation para suportahan ang lumalaking bilang ng Filipino IT professionals sa Canberra.
Ang grupo na nagsimula noong nakaraang taon ay naglalayon na palawakin ang kaalaman ng mga Filipino IT professionals para maging competitive sa industriya at tulungan ang mga kababayan natin na naghahanap ng trabaho sa sektor.