Pakinggan ang audio
LISTEN TO
Health benefits of cultural and religious fasting
SBS Filipino
14/04/202209:55
Karaniwang ginagawa sa panahon ng pag-aayuno o fasting ay ang hindi pagkain at pag-inom ng tubig sa loob ng sampu hanggang dalawampu’t isang oras sa isang araw. May mga tao din na binabawasan lang ang kanilang pagkain o lower-calorie intake kung tawagin.
Ang pag-aayuno ay ginagawa ng iba’t-ibang relihiyon sa buong mundo, gaya ng mga mananampalataya ng Islam, Kristyano at Hinduism.
Highlights
- Ang Ramadan ay isang anyo ng intermittent fasting at ang hindi pagkain sa isang pagkakataon ay may magandang dulot sa katawan.
- Ang hindi pag-inum ng tubig sa panahon ng pag-aayuno ay hindi nakitaan ng magandang dulot sa katawan dahil ang tubig ay nakakatulong para mailabas ang toxins sa katawan ng tao.
- Ilang bersyon ng sikat na intermittent fasting ay 5:2 diet at Fasting Mimicking diet.
Ang Ramadan
Paliwanag ni Diana Abdel-Rahman na tumanggap ng Medal of the Order of Australia at kasalukuyang presidente ng Australian Muslim Voice Radio o AMV Radio na nagsasahimpapawid ng English language program sa panahon ng Ramadan sa Canberra.
Muslim praying during Ramadan. Source: Pexels/Monstera
Ang Ramadan ay panahon ng mga mananampalataya ng Islam na palakasin ang relasyon sa Diyos at sa kanilang relihiyon.
"Kapag sisikat na ang araw hindi na kami umiinom kahit tubig at kumakain hanggang sa paglubog ng araw. Ginagawa namin ito sa loob ng 29-30 na araw sa isang taon sa panahon ng Ramadan.
Ang pag-aayuno ay may magandang dulot sa katawan, isipan at espiritu ng tao. Sa panahon ng Ramadan, mas napapalakas namin ang aming pananampalataya at panalangin."
Ang Ramadan ay isang anyo ng intermittent fasting, na ang ibig sabihin ay may sinusunod na pattern sa pagkain sa pamamagitan ng pagbabawas ng calorie-intake o pagkain mula 12 oras sa loob ng ilang araw.
Benepisyo ng pag-aayuno
Paliwanag ni Dr Veronique Chachay na isang Accredited Practising Dietician, Lecturer at Researcher sa University of Queensland, ang Ramadan ay napabilang sa kategoryang time-restricted eating.At ang hindi pagkain sa loob ng ilang oras o pag-aayuno ay nabibigay ng benepisyo sa katawan ng tao.
Family dinner Pexels/Nicole Michalou Source: Pexels/Nicole Michalou
" Sa panahon ng pag-aayuno ang katawan ng tao ay parang naglilinis o nag-detoxify ."
Ang mga Jews o Hudyo ay katulad din ng mga Muslim na hindi kumakain at hindi umiinum kahit tubig ng maraming beses sa loob ng isang taon.
Subalit ayon kay Dr Chachay ang hindi pag-inum ng tubig sa panahon na nag-aayuno ay hindi napatunayan na magdudulot ng maganda sa katawan ng tao, dahil ang pag-inum ng tubig ay nakakatulong para mailabas ang toxins sa katawan.
Dagdag nito kapag nag-aayuno ang isang tao, nangyayari ang proseso na tinatawag na “autophagy” sa mga tissues at organs sa loob ng katawan.
"Ang cell ng katawan ng tao ay nagre-recyle, ibig sabihi nag old particles sa cell ay nire-recyle ng katawan. Autophagy ang ibig sahibin ay auto-self, phagy-eating, so ang pagkain ay nangangahulugan ito ng paglilinis sa sarili."Dagdag ni Dr Chachay kapag kumain ng muli ang isang tao, mas mabilis ma-absorb ng cells ng katawan ang nutrisyon at bitamina mula sa pagkain.
Breaking fast in Ramadan Getty Images/Jasmon Merdan Source: Getty Images/Jasmon Merdan
" Sa panahon ng pag-aayuno o fasting, ang cell ng katawan ng tao ay nakulangan na ng nutrisyon. Kaya sa pagkaing muli na-absorb ang pagkain at mina-maximise na ngayong ng cell ang nutrisyon kaya walang nasasayang at nagiging mas malakas na ang cells ang tao."
Tamang pagkain sa panahon ng pag-aayuno
Dapat ding tandaan na kapag nag-aayuno dapat kumain ng tamang pagkain at iwasan ang matatamis o pagkaing puno ng sugar dahil posible itong maging dahilan ng pagtaas ng insulin level at insulin resistance sa pagdating ng panahon. At ito ay lubhang mapanganib dahil magiging sanhi ito ng pagkasira ng organs at ang daluyan ng dugo sa katawan.
Pag-aayuno ng ibang relihiyon at kultura
Sa ibang relihiyon o kultura ang pag-aayuno ay hindi talaga nangangahulugan na hindi kumakain, dahil ang iba pinipili lang nila ang kanilang kinakain.
Kagaya na lang ng mga mananampalataya ng Hinduism dahil ang kanilang pag-aayuno ay nagsisimula sa pagpili ng pagkain hanggang sa hindi pagkain.
Bagaman may pag-aayuno sa relihiyon ng Hinduism hindi ito itinuturing na obligasyon kung hindi ito’y isang moral at espiritwal na gawain na naglalayon na malinis ang isip at katawan.Samantala para naman sa mga Katoliko ipinagbabawal ang pagkain ng karne sa Biyernes Santo sa panahon ng Semana Santa.
Family dinner Pexels/Nicole Michalou Source: Pexels/Nicole Michalou
Habang ang mga Greek Orthodox Christian ay hindi talaga kumakain ng halus lahat ng mga dairy food products o produkto na gawa sa gatas, itlog at karne. At may mga pagkakataong bawal kumain ng may olive oil at isda sa loob ng 180 hanggang dalawang daang araw sa isang taon.
At ang pag-aayunong ito ay napabilang sa kategoryang calorie restricted diet.
Ito ay isang modernong klase ng diet base sa CRON-diet o calorie restriction practice on optimal nutrition. Ibig sabihin nito ang calorie-restriction diet na ito ay tumutulong para mas maging maayos ang kalusugan ng pangangatawan at mapiglan ang mabilis na pagtanda, habang patuloy na nagbibigay ng sapat na nutrisyon sa buong katawan.
" Nasa estado na mild stress ang katawan ng tao kaya ginagamit nito kung ano ang meron ito at kung ano ang natatanggap nito na nutrisyon.
Kaya ang katawan ng tao ay nagiging antioxidant defence, inaalis nya ang toxins at free radicals sa katawan. At maganda ang epekto nito binabagalan nito ang proseso ng pagtanda."
Ibang bersyon ng intermittend fasting
Ilan sa mga sikat na bersyon ng intermittent fasting ay ang 5 is to 2 diet, ang ibig sabihin nito ay kakain ng hindi lalagpas sa 500 calories sa isang araw, dalawang beses kada linggo.
Popular din ang tinatawag na Fasting Mimicking diet na binuo ni Dr Valter Longo.
Sabi ni Dr Chachay ang pagsunod sa fasting na ito ay makakatulong para i-reset ang hormones at renewal ng cells ng katawan.
"Hindi kailangan ng zero calorie intake, maaaring kalahati lang ang ipinapasok sa katawan o kinakain ay magre-resulta na ito gaya ng benepisyo sa pag-aayuno.
Ang Fasting Mimicking Diet ay nangangahulugan lang na binabawasan ang calorie intake o kinakain at pinapasok sa katawan kaya bababa din ang protein intake.
Nirerekomenda na gagawin ito tatlong beses sa isang taon sa loob ng limang araw para ma-reset ang hormones. Dine-develop din nito ang autophagy, ang cell renewal, at upregulation ng antioxidant enzymes."
Dagdag pa nito hindi inirerekomenda ang pag-aayuno sa mga taong kulang sa timbang, may iniindang sakit pati na din silang may eating disorder.
Ayon naman kay Adama Konda na Imam sa Canberra Islamic Centre, ang mga bata, matatanda at may sakit ay hindi inaasahang mag-aayuno sa panahon ng Ramadan.
"Ang mga bata, matatanda, mga nagbabyahe, may sakit, buntis at nagpapasuso ay hindi inaasahang mag-aayuno dahil kailangan nila ng lakas. Hinid tama na sila ay pilitin."
Pahabol na payo ng mga Healthcare professionals importanteng balanse ang kinakain ng isang tao. Higit sa lahat dapat komunsulta muna sa doktor o dietician bago simulan ang bagong dietary regime.