‘Ginawa kong inspirasyon ang mga anak ko’: Lugaw Queen sa Sydney, single mum at matagumpay sa negosyo

Lyngel Malate onboard her food truck.jpg

Ang pagluluto ng Goto at ibang Filipino Street foods ang ibinubuhay sa single mum na si Lyngel Malate o mas kilalang si Lugaw Queen sa kanyang mga anak at pamilya sa Pilipinas. Credit: Lyngel Malate

Alamin ang mga diskarte ng single mum at kilalang Lugaw Queen sa Sydney para mabuhay ang mga anak. At bilang ng mga single parents sa Australia pumapalo sa higit isang milyon, halos 80 porsyento ay mga babae at higit 20 percent ang lalaki o single dad.


Key Points
  • Lugaw Queen mag-isang binubuhay ang tatlong anak, 95 porsyento ng kanyang mga suki sa bawat market events sa Sydney na kanyang pinupuntahan ay repeat customers.
  • Ang mga solo parent ay may benepisyo na maaring aplyan sa gobyerno.
  • Sa ginawang Australian Bureau of Statistics 2021 Census 15.9 percent o higit 1.06 milyon ang solo parent sa Australia, 79.8 porsyento ay single mum at 20.2 percent ang mga lalaki o single dad.
Hiniwalayan ng 31 taong gulang na si Lyngel Malate ang asawa, kaya mag-isang itinaguyod ang mga anak.

Iba't ibang negosyo ang pinasukan tulad ng pagluluto ng kakanin at hilig sa paggawa ng crafts.
Lugaw Queen  with family.jpg
Inamin ni Lyngel Malate, ang kanyang mga anak ang dahilan kung bakit siya nagsusumikap sa buhay. Credit: Lyngel Malate
Subalit ang pagkahilig nito na magluto ng goto sa mga kaibigan, ang siyang nagbukas ng daan para matuklasan ang masarap niyang goto o tinatawag na lugaw ng kanyang mga suki.

Dagdag kwento nito, maliban sa mga kaibigan, ang ilang mga Pinoy na mekaniko sa Blacktown ang nakadiskubre sa masarap niyang luto at ibinalita sa ibang kasamahan at nagsimula ng dumami ang kanyang customer.

Lugaw Queen Goto and other Pinoy street foods.jpg
Maliban sa Goto, ibenebenta din sa food truck ni Lyngel Malate ang ibang Filipino Street foods. Credit: Lyngel Malate

"Ang pagluluto [kasi] nasa sa akin na, ginagawa kong inspirasyon ang mga anak ko para ma-push kung ano man ang kailangan kong gawin.

Kung mag-trabaho ako kulang ang kita ko para sa tatlong bata kaya gumawa ako ng ibang paraan."

Share