Gaano kalaki ang papel ng mga lolo't lola sa pag-aalaga ng mga bata, pagtataguyod ng mga kultura sa Australia

These New South Wales residents share what Filipino values they want the younger generations to preserve in Australia.

These New South Wales residents share what Filipino values they want the younger generations to preserve in Australia. Credit: SBS Filipino

Sa Australia, humigit-kumulang 775,000 katao na may edad 55 pataas ang nag-aalaga sa kanilang mga apo o nakababatang indibidwal. Tinanong namin ang ilang residente mula New South Wales tungkol sa mga pangunahing kaugaliang Pilipino na natutunan nila mula sa kanilang mga lolo't lola at inaasahan nilang maipasa sa nakababatang henerasyon.


Key Points
  • Ayon sa 2021 Census, mahigit 775,000 katao na may edad 55 pataas ang nagbibigay ng ilang uri ng pangangalaga sa mga nakababatang indibidwal. Dalawa sa limang lolo't lola na may apo na wala pang 13 taong gulang ang nagbibigay ng ilang pangangalaga sa mga bata.
  • Dahil kabilang ang mga Pilipino sa nangungunang limang migrante sa Australia, na may halos 400,000 sa buong bansa, tinanong namin ang ilang kababayan sa NSW na ibahagi kung anong mga kaugaliang Pilipino na nais nilang mapanatili ng mga kabataang Pilipino Australiano.
  • Kabilang sa pangunahing ugaling Pilipino ang pagiging magalang, mabuti sa kapwa at mapagbigay; kasama din ang hilig sa maliliit na pagnenegosyo at pagtitipid.
LISTEN TO THE PODCAST
How massive is the role of grandparents in raising kids and preserving cultures in Australia? image

How massive is the role of grandparents in raising kids and preserving cultures in Australia?

14:57

Share