From PH to NZ to AU: Paano hinarap ng Pinoy choir volunteer ang hamon sa paglipat ng mga bansa

4ba3a5e9-00c9-40f5-ad96-916804115dcc.jfif

Niño Deomano will be a guest singer at Chedi's upcoming concert gig, a former member of Smokey Mountain, this coming October 26, 2024 at Cairnlea, Victoria. Credit: SBS Filipino

Sa episode ng Pinoys in Australia, kilalanin natin si Niño Deomano na nag-migrate mula Pilipinas pa-New Zealand at lumipat sa Australia. Ano nga ba ang mga hamon at paano ito nakapapagsilbi sa Filipino community?


Key Points
  • 1993 nang mag-migrate mula Pilipinas sa New Zealand ang pamilya ni Niño Deomano habang 2005 naman lumipat sa Australia. 17-anyos siya nang lumipat sila kaya nahirapan ito sa bagong bansa.
  • Ayon sa Australian Department of Home Affairs, sa katapusan ng Hunyo 2022, mayroong 586,020 na tao na ipinanganak sa New Zealand na naninirahan sa Australia.
  • Bata pa lang sa Pilipinas ay bahagi na siya choir pero sa New Zealand ay hindi na ito nakapagsilbi kaya nang magkaroon ng oportunidad sa Australia ay naging bahagi ito bilang Presidente ng Filipino Choir of Saint Francis Church o Kiko Choir kasama ang asawang si Lori.
  • Nakapag-front act sa concert ni Martin Nievera sa Australia habang naka-duet naman niya si Leah Salonga sa concert nito nang mapili siya mula sa audience.
  • Guest singer si Niño Deomano sa darating na concert gig ni Chedi na dating miyembro ng Smokey Mountain sa darating na ika-26 ng Oktubre 2024 sa Cairnlea, Victoria.
Sa panayam ng SBS Filipino, sinabi ni Niño Deomano na malaking bagay na maibalik ang tulong sa komunidad.
429587914_741662564733725_3064937576298055302_n.jpg
The Filipino Choir of St. Franchis Church Inc. Credit: Angelito Valdez Jr
"It's like choosing songs; if you are familiar with a song, I feel good about it because I can sing it well. It's the same with volunteering in the Filipino community; being familiar with it is important as it helps take you away from a negative place to a very positive one," saad nito.
By helping others, you are also helping yourself and paying it forward.
Niño Deomano
Sumagi din sa isip Niño na gawing karera ang pag-awit pero mas pinili nito ang pag-aaral kaya masaya na siya sa pagkakataon kapag iniimbita ito na maging front act o guest singer sa ilang mga konsyerto.
photo-collage.png.png
Niño Deomano was a front act at Martin Nievera's concert in Australia and even performed a duet with Lea Salonga during her concert when he was chosen from the audience. Credit: Supplied

Share