Bago sa paningin pero pamilyar ang lasa, diskarte ng isang chef para iangat ang paboritong Pinoy food sa Australia

Chef Michael Jasper Far

Nakatikim ka na ba ng Dinuguan tacos at puso ng baka skewers? Kilalanin ang Chef na binibigyan ng bagong mukha ang mga paboritong Filipino food


Key Points
  • Isa sa pangunahing kailangan o in demand na trabaho sa Australia ang pagiging Chef ayon sa Department of Home affairs. Ito ang naging daan ng dating seafearer at chef sa cruise ship na si Michael Jasper Far para simulan ang kanyang Australian Dream noong 2017.
  • Nalibot na ni Chef Jasper ang maraming bansa dahil sa naging trabaho sa barko. Nasubukan na rin nyang magluto ng iba't ibang cuisine at ginagamit nya ito para bigyan ng bagong itsura ang mga tradisyunal na pagkaing Pilipino
  • Nitong ika-31 ng Oktubre, naging featured chef sya ng pop up dining series na Mabuhay Nights kung saan niluto at inihain nya ang kanyang version ng kinilaw na kingfish, slow cooked ginataang kalabasa, roasted chicken afritada, puso ng baka skewers at marami pang iba.
Dishes cooked by Chef Jasper Far

Share