Filipino-Turkish baker na si Janelle Halil napalapit sa kultura ng mga magulang sa pamamagitan ng pagluluto

image0.jpeg

“One fun fact about me is I actually won a pageant." A young Janelle with her dad and paternal grandmother. Credit: Supplied

Malaking bahagi ng pagtanggap sa pagkatao bilang biracial ng My Kitchen Rules winner na si Janelle Halil ang pagkilala sa mga pagkaing kumakatawan sa kultura ng kanyang ama at ina.


Key Points
  • Ang pagkahilig sa pag-bake ng cake na kalaunan ay naging daan ni Janelle para makapagtayo ng sariling business, makilala at makasali sa cooking game show na My Kitchen Rules.
  • Ang pagluluto rin ang naging kupido para makilala nya ang Sudanese na nobyo at ngayon ay kapwa contestant na si Monzir Hamdin.
  • Para kay Janelle, ang pagluluto ay paraan na rin nya para maipakita ang pagmamahal sa mga taong mahalaga sa kanya
Halos kalahati ng populasyon sa Australia ayon sa pinaka huling Census ay may magulang na ipinanganak sa ibang bansa.

Ang pagiging biracial o pagkakaroon ng dalawang lahi dahil sa mga magulang ay karaniwang nagdudulot ng pagkalito sa pagkatao ayon sa isang pag-aaral mula University of Western Australia.

Ito ang hamon na naranasan ng Turkish-Filipino cake maker na si Janelle Halil habang lumalaki sa Australia. Pero dahil sa pagkain at pagluluto, napagdugtong nya ang dalawang kultura na bumuo sa kanyang pagkatao.

Pakinggan ang ang kanyang kwento.

LISTEN TO
Filipino Janelle MKR image

Filipino Janelle MKR

06:41

Share