Buweno, ang bago pa lamang na Donut Papi sa Sydney ay nag-aalok ng mga donut na may lasang Asyano na may kaunting pagkakaiba - ang mga ito ay makulay, malaki ang sukat at gumamit ng iba't ibang sangkap na mula Asya.
At sa likod ng bagong tindahan na ito ng donut ay isang kuwento ng tatlong magkakapatid at ang kanilang pagnanais na itaguyod ang panlasa ng Asya kabilang ang mga panlasang Pilipino sa mas malawak na Australya.
Ibinahagi ni Kenneth Rodrigueza ang maliit na pagsisimula at malaking pangarap ng Donut Papi.Panoorin ang maikling bideyo ng kuwento ng Donut Papi:
Iba't ibang hugis at lasa ng donut at crinkles (SBS Filipino/AViolata) Source: SBS Filipino/AViolata
(mula kaliwa) Magkapatid na Karen at Kenneth Rodrigueza at kanilang kasama sa Donut Papi na si Max. (SBS Filipino/AViolata) Source: SBS Filipino/AViolata