Key Points
- Ang mga kabataan na nasa edad 10 hanggang 17 taon ay bumubuo ng 41 porsyento ng lahat ng biktima ng sexual assault.
- Ang consent o pahintulot ay naaangkop sa mga interaksyon ng mga tao sa relasyon at pati na rin sa mga hindi nasa relasyon.
- Normal lang na magkaroon ng mga tanong tungkol sa consent. May mga gabay sa pag-uusap na available sa 16 na wika.
Babala: Ang mga nilalaman ng episode na ito ay may kasamang paksa tungkol sa sexual assault na maaaring magdulot ng pagkabigla o pagkabahala.
Mahigit 36,000 na biktima ng sexual assault ang naitalasa Sa bilang na ito, 41% ay kabataang nasa edad 10 hanggang 17, at karamihan sa mga salarin ay kabataang lalaki na nasa edad 15 hanggang 19.
Ang mga numerong ito ay nagpapakita ng totoong kwento ng maraming kabataan—mga kwentong bihirang marinig. Bagamat nakakabahala, ipinapaalala rin nito na may pagkakataon tayong gumawa ng mas mabuti, at bawat isa sa atin ay may kakayahang gumawa ng pagbabago.
Noong 2021, nagpost si Chanel Contos sa Instagram, hinihikayat ang mga tao na ibahagi ang kanilang karanasan sa sexual assault noong nag-aaral pa sila. Sa hindi inaasahan, naging viral ito, at daan-daang tao ang nagpadala ng mga kwento tungkol sa mga sitwasyong itinuturing na seuxal assault.
Halos lahat ng insidenteng ito ay hindi naiulat, at karamihan ay ginawa ng mga taong kilala nila.
"Nag-umpisa kaming mag-usap tungkol sa mga kaso ng sekswal na pag-atake kung saan ang mga kakilala naming lalaki ang nanakit sa mga kakilala naming babae. Sa proseso, ibinahagi rin namin ang sarili naming karanasan. At nalaman ko na ang lalaking nanakit sa akin ay nanakit din sa isang kaibigan ko makalipas ang isang taon," kuwento ni Contos.
Ngayon, kilala siya sa buong mundo dahil sa kanyang adbokasiya na magtaguyod ng komprehensibong edukasyon tungkol sa pahintulot sa mga paaralan.
Noong 2021, itinatag niya ang " isang non-profit na organisasyon na layuning wakasan ang normalisasyon ng sexual assault.
Ipinaliwanag niya kung bakit mahalagang magkaroon ang mga kabataan ng mga taong mapagkakatiwalaan nila at pwedeng kausapin nang bukas tungkol sa kanilang karanasan, at matutunan ang tungkol sa sexual consent.
"Sa tingin ko, base sa aking karanasan at sa mga nakausap ko, nakakatulong sa mga tao na maibahagi ang ganitong karanasan. Nababawasan ang kanilang hiya at nagiging mas bukas sila sa pag-uusap," paliwanag niya.
Ang kwento ni Contos ay paalala na ang pagbabago ay nagsisimula sa pag-uusap. Sa pagharap sa mga isyung ito nang bukas, makakabuo tayo ng mas ligtas na hinaharap para sa lahat.
Ngunit kahit karamihan ay naniniwalang mahalaga ang pag-usapan ang , marami ang hindi alam kung saan magsisimula.
Education is critical to fostering respectful and healthy relationships. Credit: LumiNola/Getty Images
Ano ang sexual consent?
Paliwanag ni Desiree Bensley, na aktibo sa mga proyekto para isulong ang gender equality at pigilan ang sexual violence na kaagapay ang .
Pinaunawa niya na ang sexual consent ay isang kasunduan sa pagitan ng mga tao na gawi ang isang sekswal na aktibidad o sexual act.
"Ang consent ay naaangkop sa mga interaksyon ng magkasintahan o ng mga taong walang relasyon. Wala tayong karapatan o pagmamay-ari sa katawan ng iba sa anumang oras—kahit pa ngayon lang natin sila nakilala, hindi natin sila kilala, o nasa relasyon tayo, kahit sa kasal pa," sabi ni Bensley.
Dagdag pa niya, hindi lang ito tungkol sa simpleng pagsabi ng "oo" o "hindi." May limang pangunahing konsepto ang consent o pahintulot.
Una, ang consent ay dapat malaya at kusang-loob. Parehong kailangang pumayag nang walang anumang pamimilit.
Pangalawa, ang pahintulot ay dapat malinaw at may alam ang bawat nasangkot. Dapat laging siguraduhin na may patuloy na pagsang-ayon sa anumang sekswal na aktibidad habang nangyayari ito.
Pangatlo, ang consent ay dapat aktibo at naipapahayag. Puwede itong sa pamamagitan ng verbal o non-verbal, ngunit kailangang malinaw at hindi dapat ipinapalagay.
Pang-apat, ang consent ay dapat tuloy-tuloy at kapwa napagkakasunduan o sang-ayon. Maaari itong bawiin anumang oras.
It's important to remember that just because one person has agreed to a sexual act, that doesn't mean that they agree to lots of different acts, or that they will even consent to the same thing again in the future.Desiree Bensley, Respect Victoria
Panglima, ang mga taong kasali ay dapat may kakayahan at nasa tamang kalagayan na magpasya. Dapat din nilang magawang magdesisyon nang ligtas. Kapag ang isang tao ay tulog o nasa ilalim ng impluwensya ng alak o droga, hindi sila nasa tamang posisyon para magbigay ng consent.
Ayon kay Bensley, ang pag-unawa sa limang pangunahing konsepto ng pahintulot ay makakatulong upang mapabuti ang ating mga relasyon.
"Ang consent ay dapat pangunahing bahagi ng anumang maayos na relasyon. Kasama dito ang pag-aaral kung paano magtakda ng mga limitasyon o boundaries at asahang maiintindihan at maririnig ang mga ito, pati na rin ang pagtanggap ng 'hindi' o anumang salita o senyales sa body language na nagpapakita na ayaw ng isang tao na gawin ang isang bagay. Napakahalaga nito para sa anumang ligtas at maayos na relasyon," paliwanag niya.
Consent is a set of skills that anyone can learn. Source: Moment RF / d3sign/Getty Images
Maling paniniwala ukol sa consent
Si Alex Cao na isang criminal defence lawyer mula Sydney na may malasakit sa pagbibigay ng edukasyon para sa komunidad.
Ayon sa kanya, base sa kanyang karanasan, laging may pangangailangan para sa edukasyon ng mga bagong migrante na hindi pamilyar sa konsepto ng consent sa Australia.
"Karamihan sa aking mga kliyente ay mga migrante. Halimbawa, ang kanilang pagkaunawa sa relasyon o kasal, [o] sekswal na relasyon, ay ibang-iba kumpara sa kahulugan dito. Ang pag-unawa sa pagiging sobrang lasing para makapagbigay ng consent ay maaaring limitado. Ang kaalaman tungkol sa pag-uulat ng posibleng sexual assault ay maaari ring naiimpluwensyahan ng kultura," paliwanag ni Cao.
Binanggit din niya ang ilang maling paniniwala tungkol sa pahintulot at kung paano nagkakaiba ang reaksyon ng mga tao sa iba’t ibang sitwasyon.
"Isa sa mga sinasabi ay ang trauma ay maaaring makaapekto sa mga tao sa iba’t ibang paraan. Ibig sabihin, ang iba ay maaaring magpakita ng halatang emosyon o pagkabahala matapos ang sexual assault, habang ang iba ay maaaring hindi," sabi ni Cao.
The absence of emotion or distress does not necessarily mean a person is not telling the truth about being sexually assaulted.Alex Cao, Criminal Defence Lawyer
Dagdag pa ni Cao, isa pang karaniwang maling paniniwala ay hindi na kailangang ang consent kung kasal na kayo o nasa relasyon na.
Ngunit ang totoo, ang hindi pagkakaroon ng consent sa sexual behaviour ay maaaring mangyari sa iba’t ibang sitwasyon at sa iba’t ibang uri ng tao, kabilang na ang mag-asawa o magkasintahan.
Ang consent ay hindi lang isang bagay na nangyayari dulot ng init ng sandali; ito ay isang kakayahang pwedeng matutunan ng kahit sino.
Ito ay tungkol sa pag-unawa sa nararamdaman ng iba, tamang komunikasyon, paggalang sa limitasyon o boundaries, at pagtanggap ng pagtanggi—ito ang mga pundasyon ng maayos na relasyon.
Maraming resources ng impormasyon para sa mga nakatatanda upang matuto tungkol sa consent, at ito ay makukuha na
Hinimok ni Bensley ang lahat ng nakatatanda na makilahok sa kampanyang ‘’, isa sa maraming resources na ibinigay ng Australian government upang matulungan ang mga nakatatanda na mas maunawaan ang konsepto ng consent o pahintulot.
"Kung hindi natin sapat na nauunawaan ang conset o hindi tayo kumpiyansa sa ating pagkaintindi nito, paano natin maaasahan na ang kabataan ay maiintindihan ito? Kaya ang kampanyang ito ay ginawa para tulungan ang mga nakatatanda sa pamamagitan ng maraming magagandang video at resources," paliwanag niya.
Ang pagpapalaganap ng kultura ng pahintulot o culture of consent ay nagsisimula sa edukasyon, na mahalaga sa pagtataguyod ng respetado at maayos na relasyon.
Si Rand Faied, isang family mentor, therapist, at mediator na nagtatrabaho kasama ang mga multicultural families, ay inirerekomenda na ang mga nakatatanda mismo ang magsimula ng pag-aaral tungkol sa consent upang mas gabayan at suportahan ang kabataan.
"Mga magulang, kailangan ninyong mag-aral nang sarili ninyo. Mahalaga ang pagiging edukado, ang paghahanap ng sagot sa mga tanong na hindi ninyo alam. At huwag kayong mahiya na aminin sa inyong anak, 'Hindi ko alam ang sagot dito, pero hahanapin ko at babalikan kita.' Ipinapakita nito sa kanila ang kasiguraduhan, ang kaligtasan, at na narito sina nanay at tatay para sa kanila. Makikita nila na puwede silang magtanong tungkol sa kahit ano," sabi ni Rand Faied.
Kung ikaw o may kilala kang biktima ng sexual assault, domestic o family violence, tumawag sa sa 1800 737 732 o sa 13 11 14.
Sa pakikipagtulungan ng Australian Government.