Key Points
- Ang mga paaralan sa Australya ay nahahati sa tatlong sektor: Pampubliko, Katoliko, at pribado.
- Karamihan ng mga paaralan ay pangkababaihan at pangkalalakihan ngunit mayroon ding mga paaralang para lamang sa isang kasarian, kadalasang matatagpuan sa pribadong at Katolikong sektor.
- Ang mahal bayarin sa paaralan ay hindi palaging nangangahulugan ng mas magandang mga resulta sa edukasyon para sa inyong anak.
- Ang mga estudyante ay maaaring magpalipat ng paaralan anumang oras.
Ang sistemang edukasyon sa Australya ay nahahati sa tatlong sektor: pampubliko o kilala rin bilang mga paaralang pampubliko o estado, paaralang Katoliko, at mga pribadong paaralan.
Ang tatlong sektor
Ang mga paaralang pampubliko, Katoliko, at pribado ay pinamamahalaan ng parehong mga regulasyon ng mga pamahalaan sa bawat estado.
Ayon kay Dr. Sally Larsen, Lekturer sa Edukasyon sa University of New England, "Lahat sila ay naglalatag ng parehong kurikulum sa mga estudyante, at ang mga guro ay pawang kinikilala gamit ang parehong mga proseso. Ang pagkakaiba ay ang ilang sektor ay humihiling sa mga magulang na magbigay ng pondo para sa edukasyon ng kanilang mga anak."
Ang pamahalaan ay obligadong maglaan ng pondo para sa mga governement-funded schools na bukas sa lahat ng estudyante. Sila ay sekular at praktikal na libre, bagaman hinihikayat ang mga magulang na boluntaryong magbigay kontribusyon na humigit-kumulang $100 - at minsan ay mas mataas - para sa mga kagamitan ng paaralan.
Habang sa mga paaralang Katoliko ay magkakahalaga ng mga $5000 kada taon.
Sa sektor ng mga independiyenteng paaralan o private schools, maaari kang magbayad mula $30,000 o higit pa bawat taon para makapag-aral sa mga paaralang iyon.Dr Sally Larsen, Lecturer ng Edukasyon, University of New England
Humigit-kumulang 70% ng mga mag-aaral sa elementarya at 60% ng mga mag-aaral sa hayskul ay nag-aaral sa pampublikong sektor. Credit: JohnnyGreig/Getty Images
Ano ang kalagayan ng iyong pamilya?
Sinabi ni Professor Emerita Helen Forgasz mula sa Faculty of Education sa Monash University, "Ang pagkakaiba para sa mga magulang sa pagpili ng papasukan na paaralan ng mga anak ay kung kaya ba nilang bayaran ang mga bayarin sa mga paaralang non-government schools - iyon ay ang mga pribadong paaralan."
Kung nais mong mapalawak ang relihiyosong edukasyon ng iyong anak sa paaralan, maraming pagpipilian mayroong mga paaralan mula sa iba't ibang relihiyosong grupo sa iba't ibang estado.Professor Emerita Helen Forgasz, Faculty of Education, Monash University
Sa mga paaralang pampubliko, hindi kasama ang relihiyosong edukasyon sa kurikulum. Gayunpaman, may opsyon ang mga paaralan na payagan ang mga relihiyosong organisasyon na magsagawa ng mga programa sa edukasyon.
Ang mga paaralang Katoliko ay nagbibigay ng edukasyon na nakabatay sa pananampalataya at malugod na tinatanggap ang mga pamilyang may iba't ibang paniniwala. Kilala sila sa pagpapalaganap ng pagkakaisa sa pamayanan at disiplina, at karaniwang mas mura ang bayarin kumpara sa mga pribadong paaralan.
Ang mga bayarin sa mga pribadong paaralan ay hindi lamang mataas, kundi may mga nakatagong gastos na maaaring makagulat sa inyo, babala ni Dr. Larsen.
"Kailangan mong malaman na may karagdagang gastos tulad ng mga sapilitang extracurricular activities, ang uniporme na maaaring napakamahal, at ang sapilitang pagbili ng gadgets," sabi niya.
"May ilang mga pampublikong paaralan na sumusunod sa parehong landas, na may sapilitang pagbili ng teknolohiya, ngunit mas maganda ang mga subsidy ng mga pampublikong paaralan para sa mga magulang na hindi kayang bumili ng kagamitan para sa kanilang mga anak."
Ang mga benepisyo ng pagtuturo ng mga batang babae at batang lalaki nang hiwalay ay patuloy na pinag-uusapan at hindi gaanong nagkakaiba o nagkakalayo ang mga academic results. Credit: Fly View Productions/Getty Images
Papag-aralin mo ba sila sa eskwelahan na para sa mga babae o lalaki lamang?
Bagaman patuloy na pinagdedebatihan ang mga benepisyo ng pagtuturo ng mga batang babae at batang lalaki nang hiwalay at hindi gaanong malaki ang pagkakaiba ng mga resulta sa academics, may ilang mga bata na mas komportable sa paligid na hiwalay sila ibang kasarian. Ang pagpili nito ay nagmumula rin sa mga relihiyosong dahilan, halimbawa.
Karamihan sa mga paaralan sa Australia ay co-educational, kung saan magkasamang tinuturuan ang mag babae at lalaki sa isang paaralan.Professor Emerita Helen Forgasz, Faculty of Education, Monash University
Ang mga paaralan na nagtuturo na nakatuon lamang sa mga batang lalaki o mga batang babae, ay kadalasang matatagpuan sa sektor ng mga paaralang Katoliko at Independiyente. Sa kabilang banda, ang mga paaralang pampubliko ay pangkababaihan at pangkalalakihan sa karamihan ng mga estado. Gayunpaman, ang NSW ay isang pagkakaiba, dahil mayroon silang higit sa 30 na mga paaralang pampubliko na hiwalay ang kasarian, samantalang ang Victoria ay nag-aalok lamang ng ilan. Ang ilan sa mga paaralang pampubliko na hiwalay ang kasarian na ito ay mga piling paaralan.
Kapag iniisip ang iba't ibang sektor, mahalagang tandaan na ang mga pribadong paaralan ay nagtatarget ng mga magulang sa kanilang mga kampanya sa marketing at "nagbibigay ng pagduda na hindi magiging sapat ang edukasyon ng kanilang mga anak sa sistema ng public schools," sabi ni Dr. Larsen.
Ang mga mag-aaral o estudyante ay maaaring magpalipat ng paaralan anumang oras. Credit: JohnnyGreig/Getty Images
Mas maganda nga ba ang non-government schools o hindi pampublikong paaralan?
Humigit-kumulang 70% ng mga mag-aaral sa elementarya at 60% ng mga mag-aaral sa mataas na paaralan ay nag-aaral sa pampublikong sektor.
Kapag nagpapasya kung ipapadala mo ang iyong anak sa isang pribadong o Katolikong paaralan, marami kang dapat isaalang-alang tulad ng academics at cultural pumapasok din ang family expectations, kahit na hindi kailangan ang gumastos. Makikita ang kompetisyon sa mga private shools at catholic schools kung saan nagpapagalingan ng marketing strategies para makahikayat ng mga mag-aaral.
Dahil walang marketing na ginagawa ang mga pampublikong paaralan o sektor tulad ng ginagawa ng mga catholic at private schools hindi nangangahulugang mas mababa ang kalidad ng mga paaralang ito kumpara sa mga independiyenteng paaralan.Dr Sally Larsen, , Lecturer in Education at the University of New England
Ang sagot ay matatagpuan ang mga mahusay na paaralan mula sa tatlong sektor.
Magsaliksik o pag-aralan kung ano ang akmang paaralan
Alamin kung ano ang iniaalok ng paaralan. Hindi ibig sabihin na kapag mataas ang bayad sa paaralan, mas maganda ang edukasyon na matatanggap ng iyong anak, ipinapunto ni Professor Emerita Forgasz.
"Ang paghahanap ng isang paaralan na tumutugon sa mga pangangailangan na inyong pinaniniwalaan para sa inyong anak ay ang pangunahing salik na dapat isaalang-alang ng mga tao."
Humiling kung maaari kang mag-inspeksyon o maglilibot sa paaralan at huwag matakot na magtanong ng mga masusing katanungan. Kung mayroon ang inyong anak na partikular na interes o espesyal na pangangailangan o may kapansanan, hindi lahat ng paaralan ay maaaring magbigay ng kakayahan sa kanila, kaya mahalagang gawin ang malawakang pananaliksik.
Sinabi ni Professor Emerita Forgasz na mahalagang tandaan na maaari kang magbago ng isip sa anumang yugto.
"Kung hindi nagpapakita ng malaking pag-unlad ang inyong anak sa anumang yugto ng kanilang pag-aaral, pag-aralan muli. Tama bang gawin para sa kanila sa aspetong sosyal at pang-edukasyon na palitan ang mga paaralan?"