Key Points
- Maaari kang magbukas ng account nang personal o online.
- Ang mga online account ay maaaring may mas kaunting serbisyo sa customer ngunit mas mataas na interes.
- Maiiwasan ang buwanang bayarin sa pamamagitan ng maingat na pagpili o pagsunod sa mga kundisyon ng account.
- Pinoprotektahan ng gobyerno ng Australia ang iyong account hanggang sa $250,000.
Mayroong higit sa 100 financial institutions na maaaring pagpilian ng mga Australians para sa kanilang banking needs. Dahil pera mo ito, mahalagang magdesisyon nang may sapat na kaalaman kung alin ang pinakaangkop para sa iyo.
Karaniwang ginagamit natin ang salitang 'bank' account, pero tumutukoy din ito sa mga bangko, credit unions, at building societies. Ang mga credit unions at building societies ay pagmamay-ari ng mga miyembro.
Apat na bangko ang nangingibabaw sa merkado: ANZ, Commonwealth Bank, National Australia Bank, at Westpac, na madalas tawaging ‘big four’.
Marami pang ibang opsyon diyan, kaya maglaan ng oras para maghanap at alamin kung alin ang babagay sa'yo.
The 'big four' banks Source: AFP / PETER PARKS/AFP via Getty Images
- Ang na pinangangasiwaan ng Australian Securities and Investments Commission o ASIC , isang website na nagbibigay ng edukasyon sa mga mamimili upang matulungan silang gumawa ng mga tamang desisyon sa pananalapi.
- Temporary visa holders, permanent resident at Australian citizens lamang ang maaaring mag-open ng bank account.
- Walang limitasyon sa edad sa pagbubukas ng account. Kung ikaw ay wala pang 18, kakailanganin mo ng magulang o guardian bilang co-signatory.
- Walang interes na makukuha sa isang transaction account, pero maaari mo itong i-link sa isang credit o debit card. Subalit, ang mga savings account ay nagbibigay ng mataas na interest rate.
Your bank account will link to your credit or debit card. Credit: davidf/Getty Images
- Tandaan na ang anumang interes na makukuha mo ay bahagi ng iyong taxable income at dapat ideklara sa iyong tax return.
- Kung mahala sayo ang smartphone functionality, alamin kung anong mga bangko ang nagbibigay-daan sa pag-link ng iyong credit card sa smart wallet, Google Pay, o Apple Pay.
Kung mayroon kang savings account, kikita ka ng interes sa iyong paunang ipon at sa interes na kinita mo na, kaya’t makakakuha ka ng interes sa iyong interes.Andrew Dadswell, ASIC's Moneysmart
- Maaaringq mag-transact online, ‘neo banks’ o digital banks ay walang pisikal na opisina. Sila ay online lamang ngunit maaari silang mag-alok ng mataas na interes.
How important is smartphone functionality to you? Credit: andresr/Getty Images
- Ang pamahalaan ng Australia ay nagbibigay ng garantiya sa bawat account holder ng hanggang $250,000. Ibig sabihin, kung mangyari man ang hindi inaasahang pagbagsak ng iyong financial institution, protektado ang iyong pera.
- Ang mga bagong dating ay kailangang magparehistro para sa Tax File Number sa Australian Taxation Office at ibigay ito sa bangko sa loob ng 30 araw upang maiwasan ang non-resident withholding tax.
- Kung nagbabayad ka ng fees sa isang transaction account, dapat kang maghanap ng mas magandang opsyon. Maraming mga account na hindi naniningil ng bank fees.
Mag-subscribe o i-follow sa Australia Explained podcast para sa karagdagang mahalagang impormasyon at mga tips tungkol sa pagsisimula ng bagong buhay sa Australia.
Mayroon ka bang mga tanong o ideya sa paksa? Mag-email sa [email protected]