Key Points
- Karaniwang binubuo ng 12 katao ang isang jury, ngunit maaaring mas mababa ito sa ilang sitwasyon.
- Ang mga alituntunin ng jury ay nagbabago ayon sa hurisdiksyon.
- Sa ilang kondisyon, maaaring ma-exempt ang isang kandidato.
Ang juries ay isang pangunahing bahagi ng legal system ng Australia.
Bilang isang Australian citizen ito ay kanilang tungkulin para maglingkod at kapag ikaw ay tinawag maaaring pagmultahin kung hindi sila sumunod.
Ang serbisyo bilang juror o hurado ay nagbibigay-daan sa mga miyembro ng komunidad na aktibong makilahok sa pamamahala ng hustisya.
Ang juries ay ginagamit lamang para sa ilang paglilitis.
Ginagamit ang mga jury sa mga paglilitis para sa kaso ng pagpatay, armed robbery, at mga kaso ng sexual assault. Ang mga hindi gaanong mabibigat na kasong kriminal tulad ng pagnanakaw ay dinidinig lamang ng isang hukom, nang walang jury.Jacqui Horan, Associate Professor, Monash University Faculty of Law
Ang pagpili ng pangalan ng juror ay ginagawa randomly ang pagpili ng mga jury mula sa listahan ng mga botante ng bansa o Australian electoral roll.
Jury duty summons Source: Getty / P_Wei/Getty Images
Maaari bang ma-exempt kung tinawag ka para sa jury duty?
Sa ilalim ng Jury Act, ang mga single parent na may maliliit na bata o kayay ang isang tao ay may negosyo at ang kanilang pagliban ay makakaapekto dito.
Halimbawa Kung ikaw ay isang emergency doctor o nurse sa panahon ng pandemya at kung ikaw ay nakakulong maaari kang ma-exempt sa jury duty.
Kung ang isang tao ay may problema sa pandinig, may seryosong isyu sa kalusugan, o carer ng mga matatanda at hindi sila makaalis, maaari silang ma-exempt.
Kung hindi ka pormal na na-exempt, maaari kang pagmultahin kung hindi ka dadalo.
Law Courts in Australia Source: Getty / Frogman1484/Getty Images
Gaano katagal ang pagsisilbi bilang jury?
Karaniwang naglilingkod ang mga juror o hurado sa mga paglilitis na tumatagal ng pito hanggang labindalawang araw, ngunit ang mga mas masalimuot na kaso — tulad ng mga kinasasangkutan ng hinihinalang terorista — ay maaaring tumagal ng ilang buwan o higit pa sa isang taon.
Kaya madalas tinatanong ang mga hurado tungkol sa kanilang availability nang maaga kung sila ay maaaring mapili para sa partikular na mahabang paglilitis.
Kung ang isang juror ay nararamdaman na hindi siya makakapagtagal sa buong haba ng paglilitis, dapat niya itong ipaalam, bago magsimula ang paglilitis.
Ano ang mangyayari sa loob ng courtroom?
Tandaan kapag nagsimula na ang paglilitis, kailangang marinig ng hurado ang lahat ng ebidensya.
Dapat naroon ang jury para sa lahat ng ebidensya, kabilang ang lahat ng saksi na nagbibigay ng patotoo. Kailangan makita ng jury ang lahat ng photos at videos o DNA...ganyang mga ebidensya.Dr Andrew Burke, Senior Lecturer, Macquarie Law School
Ang jury ay nasa labas ng korte kapag may mga diskusyon ukol sa batas, at kapag naresolba na ang mga ito, bumabalik sila sa loob. Ipapaliwanag ng hukom kung anong batas ang kanilang gagamitin sa paghatol kung may kasalanan o wala.
The Jury: Death on the Staircase on SBS and SBS On Demand Source: SBS / SBS
Kapag nakapagbigay na ng testimonya ang lahat ng testigo at ang mga ebidensya ay nabigay na sa korte, ang lahat ng jury ay binibigyan ng kopya ang lahat ng dokumento kasama ang transcription ng court case, pagkatapos ay ilalagay na sa deliberation room ang mga ito.
Pagkatapos ng ilang oras saka na magbibigay ng kanilang hatol.
Ang verdict o hatol
Ang mga juror ay kailangang makuha ang unanimous verdict o may iisang hatol, o sa ilang kaso, ang hatol na 11 laban sa isa ay accepted.
Kung hindi makapagdesisyon ang jury, ito ay tinatawag na ‘hung jury’. Ibig sabihin, magkakaroon ng panibagong paglilitis. Magsisimula ulit ang proseso sa isang bagong paglilitis at ibang jury.
May bayad ba ang jury duty?
Binabayaran ng korte ang mga juror ng allowance para sa kanilang oras (at minsan para sa pamasahe). Depende ang halaga sa estado o teritoryo, kung ikaw ay nagtatrabaho, at kung ikaw ay full-time, part-time, o casual.
Sa mga mas mahahabang paglilitis, kadalasang mas mataas ang bayad sa mga juror bilang kabayaran sa abala.
Ayon sa National Employment Standards ng Fair Work Commission, lahat ng employer ay required na dagdagan ang jury pay ng kanilang mga empleyado hanggang umabot ito sa normal na sahod para sa unang 10 araw ng jury service, pero hindi kasama rito ang mga casual na manggagawa. Sa halip, maaaring makatanggap ng mga benepisyo ang casual na empleyado depende sa mga batas ng estado at teritoryo.
Para sa mga employed kailangan ang mga employer ay magbabayad ng katulad sa normal na sahod kung sila ay nagtatrabaho, habang nasa jury service ito.
Kumusta ang karanasan bilang juror?
Bagaman karamihan sa mga tao ay may pag-aalinlangan sa simula tungkol sa jury service, ang mga nakaranas nito ay kadalasang pinahahalagahan ang pagkakataong iyon.
Hindi madalas sa buhay mo na makakagawa ka ng trabaho ng ibang tao sa loob ng isang linggo o dalawa, ngunit sa kasong ito, nagkakaroon ng pagkakataon ang mga mamamayan na maging hurado at makita kung paano gumagana ang sistema ng hustisya.Jacqui Horan, Associate Professor, Monash University Faculty of Law
Ito ay isang once-in-a-lifetime experience, at maraming juror ang masaya at gusto pang ulitin ang kanilang karanasan.
Lingguhang mapapanood ang simula ika-6 ng Nobyembre alas 8.30 ng gabi sa SBS ang bago nitong episode, maaari din stream free sa .
Mag-subscribe o i-follow ang Australia Explained podcast para sa karagdagang mahalagang impormasyon at mga tip tungkol sa pagsisimula ng bagong buhay sa Australia.
Mayroon ka bang mga tanong o ideya sa paksa? Mag-email sato [email protected]