90-anyos na Pilipino na dating Fairfax journo nais iwan ang kabutihang-loob sa pamamagitan ng pamamahayag

90-year-old Jaime Kelly Pimentel has lived a life of Journalism

Ninety-year-old Jaime Kelly Pimentel has dedicated his life to journalism and goodwill, and he hopes to pass the baton to the next generation of journalists. Credit: SBS Filipino and Supplied by Jamie Pimentel

"Gawin ng mahusay ang iyong trabaho at pinakamahalaga na magpakita ng kabutihang-loob sa iyong kapwa," ang mariing paniniwala ng retiradong mamamahayag ng Fairfax Media na si Jaime Kelly Pimentel. Sa edad na 90-anyos patuloy ito sa pagtulong sa mas nakababatang henerasyon.


Key Points
  • Agosto 1971 nang lumapag sa Sydney ang mamamahayag na si Jaime Kelly Pimentel.
  • Mahigit 50 taon siyang nagtrabaho bilang mamamahayag sa Sydney kasabay ng kanyang pagbuo ng grupo ng mga Pilipinong mamamahayag - ang Filipino Press Group Sydney.
  • Mahigit 20 taon siyang nagtrabaho sa isa sa pinakamalaking media company sa Australia, ang Fairfax Media.
LISTEN TO THE PODCAST
Pinoys in Australia_Jaime Kelly Pimentel image

Pinoys in Australia_Jaime Kelly Pimentel

26:35
Buhay Journo

Mahigit 50 taon na na nagtrabaho bilang mamamahayag ang taga-Sydney na si Jaime Kelly Pimentel.

Taong 2014 nang magretiro ito sa mahigit 22 taon na pagtatrabaho sa isa sa pinakamalaking kumpanya ng media sa Australia, ang Fairfax Media.

Sa kabila ng pagreretiro sa kanyang karera bilang isang journalist patuloy naman ang kanyang pagiging peryodista, manunulat at publisher ng mga community newspaper at community radio program na kanyang binuo.

Unang lumapag sa Sydney noong Agosto 1971.

Dala ang kanyang kwalipikasyon mula sa Pilipinas at Amerika kabilang ang Bachelor Degree in Journalism mula sa Ateneo De Manila University at Master in Newspaper Management mula sa tanyag na Medill School of Journalism sa Northwestern University sa US, ipinagpatuloy ni Jaime ang kanyang pagiging mamamahayag sa Australia.

Mula sa isang adventure na itinuturing, hindi naging madali ang lahat para sa paghahanap ng bagong buhay sa Australia para sa mamamahayag mula Maynila.
Jaime Pimentel (seated) back in Manila in the 1960s where he worked in screen production.
Jaime Pimentel (seated) back in Manila in the 1960s where he had worked screen production writing scripts and directing. Credit: Jaime Pimentel
Sa kabila ng kanyang mga tinapos na kurso, hindi naging madali ang paghahanap ng trabaho para kanya.

"Nahirapan akong maghanap ng trabaho because my credentials were from the Philippines and even with the degree from America, they were not recognised in Australia then," pagbabalik-tanaw ng beteranong mamamahayag.

"Una kong pinasok na trabaho ay bilang dishwasher sa Sydney. Then I did part-time for a boxing magazine from Melbourne as their Stringer in Sydney. The funny thing is, it only paid $5 a month so I had to find something else."

Nagtrabaho rin siya bilang Security Guard, kasabay ng mga casual na trabaho sa journalism.
Jaime Pimentel 2012 Darryl OBrien
Jaime Pimentel (far right), interviewing a group of Filipino artists together with other Filipino media in 2012. Credit: Darryl O'Brien (Facebook)
"I worked as casual sa Sydney Sun sa sports section nila tuwing Sabado, at sa iba't ibang mga dyaryo. I tried to get as many jobs as I could so I wanted to bring my family to Australia back then."

Kasabay ng pagiging casual reporter sa iba’t ibang pahayagan sa sydney noong mga 1970, may espesyal na bahagi din si Jaime Pimentel pagsasahimpapawid ng programang Filipino sa SBS Radio na unang napakinggan sa 2 Ethnic Australia o 2EA. Naging news reporter ito ng SBS Filipino noong 1992.

"They only took me as a reporter because I could write drama scripts. The managing editor [of the radio] at that time was a Filipino, Cesar Aguila."

Legacy

Batid ng batikang mamamahayag na kakaunti lamang ang mga Pilipino sa larangan ng pamamahayag sa kabuuan ng Australia at gusto sana nitong makita na dumami pa ang mga Pilipino sa Australia na kumuha ng Journalism.

"I understand that many young Filipinos hesitate to take journalism because it's also an expensive course."

"We do have not very many Filipino journalists here, we should have more because Filipinos have the language facility."
Jaime Pimentel with a group of Filipino community journalists and broadcasters in 2014.
Jaime Pimentel with a group of Filipino community journalists and broadcasters in 2014. Credit: Oliver Gadista (Facebook)
Naniniwala si Jaime Pimentel sa kakayahan ng mga Pilipino lalo na sa kalidad ng kanilang trabaho.

"I would like to see more Filipino journalists as I know we can be in the mainstream media. Kayang-kaya natin."

Binigyang-diin nito ang kahalagahan ng pagpapakita ng "commitment at pagiging reliable" ng isang Pilipino para sa kanyang trabaho.

Sa siyam na dekada ng kanyang buhay, ibinahagi din ng mamamahayag na tinitingala ng maraming mga Pilipino sa Sydney, ang pagiging mabuti sa iyong kapwa.
Members of the Filipino Australian journalists in Sydney gather together in September to celebrate Jaime Pimentel's 90th birthday
Members of the Filipino Australian journalists in Sydney gather together in September to celebrate Jaime Pimentel's 90th birthday Credit: SBS Filipino
Mula sa kanyang hiniram na mga salita mula sa ikalawang henerasyon na lider ng American company na SC Johnson, na si Herbert F. Johnson Sr, na: "The goodwill of people is the only enduring thing in any business. It is the sole substance. The rest is shadow."

Nais iwan ng 90-anyos na si Jaime Pimentel sa mga batang mamamahayag na kung ikaw paghuhusayan mo ang iyong pamamahayag, iyon ay isang uri ng kabutihang-loob.

"It applies not only to business, your goodwill will remain in the minds of the people. You leave a legacy of goodwill."
If you do journalism well, that is goodwill. You take this: a good Filipino makes a good Australian.
Jaime Kelly Pimentel

Pro bono

Kasabay ng kanyang propesyonal na karera at paghahanap-buhay para sa kanyang pamilya, naging aktibo si Jaime Kelly Pimentel sa pagtulong sa ibang mga Pilipino sa Sydney.

Mas kilala sa tawag na "Jimmy" sa kanyang mga pamilya, kaibigan at mga malalapit sa kanya tulad ng mga kapwa Pilipinong mamamahayag sa Sydney, itinatag ni Jaime ang Filipino Press Group Sydney (FilPressSyd) taong 1978 kasama ng ilang kapwa Pilipinong mamamahayag.

"We used to meet at the Journalist Club in the city and I told them that we are now a group of journalists. And we said let's just meet regularly."
A file photo of Jaime Pimentel (middle) with a couple of Filipino community broadcasters he had mentored over the years.
A file photo of Jaime Pimentel (middle) with a couple of Filipino community broadcasters he had mentored over the years. Credit: Supplied
"I then put up a newspaper, Philippine Balita."

"My idea was when you publish a newspaper here and if you cater to the Australian Filipino you are catering to a growing market because they'll have children."

"At the same I also set up a radio program called 'Radio Sandigan in Burwood [NSW] which was the first Filipino community radio."

Mula 1970 may ilan pang community newspaper na naitayo si Pimentel na siya niyang ipinagpapatuloy hanggang sa ngayon na retirado na ito.
If you want to have a job in the media, the press is a commitment. Because without commitment you won't last because it's all about deadlines.
Jaime Kelly Pimentel
Sa paglipas ng taon, dumami na rin ang bilang ng ilang mga Filipino Australian journalist sa Sydney at

Para makatulong na lalong mapahusay ang trabaho ng mga Filipino community broadcaster at journalist, ilang mga workshop gaya ng news reporting, feature writing. photojournalism, media law at iba pa ang ginawa ni Jaime Pimentel para sa mga myembro ng FilPressSyd.

Share