Simbahang Katolika nababahala sa alitan ng dalawang lider ng bansa

PHILIPPINES GOVERNMENT PRESIDENTIAL INAUGURATION

Philippine President Ferdinand 'Bongbong' Marcos Jr. and Vice-President Sara Duterte during Marcos' inauguration ceremony at the National Museum grounds in Manila, Philippines 30 June 2022. Credit: EPA

Nahaharap sa patong-patong na reklamo si Vice President Sara Duterte kaugnay ng komosyon sa paglilipat sa kanyang Chief of Staff na si Undersecretary Zuleika Lopez sa Veterans Memorial Medical Center sa Quezon City noong Sabado.


Key Points
  • Mga reklamong direct assault, disobedience to authority at grave coercion ang isinampa ng Quezon City Police District laban sa Vice President.
  • Maghahain ng kontra-demanda si Vice President Sara Duterte kaugnay ng komosyon sa paglilipat sa kanyang Chief of Staff na si Undersecretary Zuleika Lopez sa Veterans Memorial Medical Center.
  • Ayon kay VP Duterte, reklamong disobedience, kidnapping at roberry ang kanyang ihahain laban sa pulisya.
Nababahala na ang Simbahang Katolika sa alitan sa pulitika sa pagitan ng dalawang pinakamataas na lider ng bansa.

Ayon sa Catholic Bishops Conference of the Philippines, handa ang ilang obispo na mamagitan sa usapin kung kinakailangan.

Nanawagan naman si Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula na ipanalangin ang mga lider ng Pilipinas.


Share