Pinoy na kakapanumpa lang bilang Australian Citizen, nagbahagi ng ilang tips sa citizenship exam

jon 1.jpg

Civil Engineer Jon Lomocso from Melbourne came to Australia in 2017 and became an Australian citizen in August 2022.

Ika-17 ng Setyembre ang Australian Citizenship Day pero bago makapanumpa, bahagi ng proseso ang test at interview.


Key Points
  • Ang test at interview aya bahagi ng requirement ng Australian Citizenship na magpapatunay ng kaalaman ng indibidwal sa bansa at masusukat ang kakayahan ng pagsasalita ng Ingles.
  • Pangkarinawan na kukuha ng test ang mga nasa edad 18 hanggang 59 sa araw na matanggap ang aplikasyon para sa citizenship by conferral.
  • Upang makapasa, kailangang masagutan ang dalampung tanong, makuha ng tama ang limang Australian values at makakukuha ng marka na 75% sa kabuuan.
l.jpg
How to listen to this podcast Source: SBS
"Walang dapat ikatakot sa exam basta magbasa ka lang days before the exam," paglalahad ni Jon Lomocso mula sa Melbourne.

Hindi na siya kinabahan dahil naikwento sa kanya ng ilang kababayang Pinoy na madali ang examination basta mag-review.

2017 nang dumating sa Australia si Jon bilang permanent resident sa pamamagitan ng Skilled Independent Visa subclass 189 gamit ang kanyang nominated occupation na Civil Engineer.
jon 3.jpg
Jon Lomosco proud to achieve his goal of being an Australian citizen.
Ang pagiging permanent resident ay isa sa mga requirement para maging Australian Citizen by conferral ayon sa website ng gayundin ang citizenship test at interview.

February 2021 nag-apply si Jon ng citizenship at tila medyo natagalan bago nabigyan ng kumpirasyon ng citizenship appointment.

"Balisa ako kasi more than a year na wala pa ring update. May nababalitaan kami na sa ibang state, within a few months lang meron na result pero sa Victoria, medyo matagal ang waiting period," kwento ni Jon.

Abril ng 2022 niya natanggap ang citizenship appointment para sa Mayo at dito siya nagsimulang magseryoso sa pagre-review.

Ilan sa mga payo ni Jon sa citizenship appointment:
  • Magbasa ng mga sample questions at aralin ang mga tungkol sa Australia at Australian values
  • Maraming available na materials at reviewer online kaugnay sa citizenship exam
  • Dumating ng maaga sa takdang oras. Ipapakita mo ang iyong appointment letter upang ma-verify
  • Dalhin ang mga dokumento na kailangan o hiniling ng kagawaran. Nakalagay ang mga dokumentong ito sa appointment letter
  • Unang gagawin ang interview kung saan mangyayari ang assessment upang mapatunayan na ikaw ay eligible na maging citizen
  • Matapos ay ang exam kung saan mayroon kang 45 minutes na sagutan ang mga tanong. Lalabas sa inyong computer screen ang score.
Upang makapasa, kailangan ay masagutan ng tama ang 20 katanungan at 5 Australian values. Kailangang makakukuha ng marka na 75% sa kabuuan.

Sakali namang hindi pumasa sa test, maaring kumuha muli nang walang bayad kung may slot na available sa kaparehong araw o 'di kaya naman ay magbook ng panibagong araw.

Ayon sa hindi maapektuhan ang iyong permanent visa sakaling hindi ka pumasa.

"After ng exam mo, after na-provide mo na yung final documents, makakareceive ka ng letter na nagsasabi na your application has been approved. After that, you will have to wait for  the ceremony itself which will take place within the next six months."

Matapos ang dalawang buwan, Hulyo 2022, natanggap na ni Jon ang kanyang final approval at petsa na dumalo sa seremonya ng citizenship na ginanap noong Agosto.
Paunawa: 
Ang pangkalahatang paliwanag at impormasyon ay gabay lamang. Para sa dagdag na impormasyon at payo na naayon sa iyong problema o sitwasyon, kumonsulta sa isang abogado o registered migration agent. 

Share