Makakabyahe ng walang limitasyon ang isang dual citizen na may hawak ng Filipino at Australian passport sa dalawang bansa ayon sa Immigration Lawyer na si Attorney Mark Jeffrey Abalos.
Ngayong may pandemya, nakabase ito sa restriksyon at panuntunan ng bawat bansa.
Pakinggan ang buong ulat:
LISTEN TO
Ano nga ba ang mga benepisyo ng pagiging dual citizen sa gitna ng pandemya?
SBS Filipino
20/01/202207:04
Iba pang benepisyo ng dual citizenship:
- Maaaring humingi ng tulong sa embahada sa mga pagkakataong may health emergencies gaya ng COVID-19
- Pagdating sa healthcare, magagamit mo ang Medicare sa Australia, maaari ding magamit ang Philhealth sakaling ikaw ay nasa Pilipinas at miyembro nito.
- Mag-may ari ng mga property, mag-negosyo, mag-aral at magtrabaho bilang mamamayan sa parehong bansa.
- Karapatang bumoto sa halalan.
Sa kasalukuyan, 90 Australian Dollars ang bayad sa proseso at 45 dollars naman sa anak kung isasama ito sa petisyon.
Matatagpuan sa ng embahada ng Pilipinas ang listahan ng mga dokumentong kinakailangang sa aplikasyon. Maari itong ipadala ng personal o postal service.