Isang grupo ng mga Pilipinong migrante sa Silangan ng Melbourne ang nakahanap ng suportang emosyonal, spiritwal at sosyal sa pamamagitan ng tulong ng , isang not-for profit na organisasyon na layon ang itaguyod ang pagkakasundo at mabuting kalusugan ng mga Pilipino sa Australya.
Ayon sa tagapagsalita ng AFCS na si Norminda Forteza, pangunahing layunin ng grupo na suportahan ang mga Pilipino na may pangangailangan, itaguyod ang pagkakaisa at mas ipakilala ang talentong Pinoy sa Australya.
"We are here to support Filipinos who are in need especially those who are socially isolated and feeling lonely at home. We visit them, we pick them up , we bring them to the centre and we have activities for them."
Sinabi din ni Ms Forteza na isa sa pinakakilalang aktibidad nila ay ang art exhibition na tinawag nilang 'migration journey through art' kung saan ay itinatampok nila ang gawa ng kanilang mga miyembro.
Dagdag niya na ang kaganapan ay nagpakita ng mga natatanging talento sa sining ng mga Pilipinong tagapag-alaga partikular sa pagpipinta at pagkukulay.
"Nakita namin na may mga carers at mga kababayan tayo na may talento sa art, pagpipinta o, pag-colour o pagcreate ng mga bagay na nakakapag-paalala sa kanila tungkol sa Pilipinas at ibinabahagi sa ating lipunan dito sa Australia."
Image
Ang pagpipinta ay higit pa sa sining
Ang pagpinta ay isang paalala ng Pilipinas at isang oprtunidad sa pagbahagi ng kaalaman
Isa sa mga tagapinta sa exhibit ay si Ginoong Doods Aguilar na ipinakita ang kanyang pinta tungkol sa kanyang ina.
Ibinahagi niya na natuto siyang magpinta dahil dumadaloy ito sa kanilang dugo at ang pagtulong sa art gallery ng kanyang pamilya ay nagsanay sa kanyang talento.
Dagdag niya, ang pagbahagi ng kaalaman at pagturo sa ibang miyembro kung paano magpinta ay nagbigay sa kanyang ng magandang layunin sa buhay.
Doods Aguilar and the painting he dedicates to his mother. Source: SBS Filipino
Ang pagpinta ay nagbibigay ng ginhawa mula sa pagod
Nagsimulang magpinta ang batang si Alexandria noong siya ay bata pa lamang ngunit hindi niya ito ipinagpatuloy dati. Sa tulong at suporta ng kanyang mga magulang, muli niyang sinubok ngayon ang pagpipinta.
Ipinamalas niya ang gawa niya na nagtampok ng isang two-con at mga disenyong Mandela sa palibot nito.
Sabi niya ang pagpipinta ay nagbigay sa kanya ng payapa at ginhawa lalo na sa mga panahong magulo ang kanyang isip.
"Painting is kind of like a way for me to escape, it’s a way of relaxation as well when I want to get my mind off things."
For Alexandria, painting is a way for her to escape, a way of relaxation when she wants to get her mind off things. Source: SBS Filipino
Ang pagpinta ay daan sa malikhaing paglago at tumutulong bumuo ng positibong ugali
Inaamin ni Lorna Natividad na hindi niya akalain na kaya niyang magpinta hanggang sa magsimula siyang mag-boluntaryo para sa AFCS at sabay na naimbitahan para sa isang painting class.
"Coincidence lang dahil nung nagvolunteer ako sa Filipino-Australian Community Centre, hindi ko alam na meron palang painting class para sa mga carer. Sinabi ng teacher na pwede ako sumali kasi carer din ako ng nanay ko. Tinuloy tuloy ko na yung pagpipinta and I really enjoy it."
Ang kaka-diskubreng talento ng dating bank teller ay nagdala sa kanya sa isang bagong tugatog nang makatanggap siya ng parangal para sa kanyang obra at nanalo ng pangalawang premyo sa isang patimpalak sa pagpipinta.
Upang idagdag sa listahan ng kanyang mga parangal, ang kanyang obra na tinawag niyang 'Outback' ay napili din at ginamit bilang larawan sa congratulations card ng distrito ng Dandenong.
Ayon sa kanya naramdaman niyang siya ay bumabata at mas nagkaroon ng tiwala sa sarili nang mag-aral siyang magpinta, at tunay niyang ipinagmamalaki ang kanyang mga naabot.
"I feel proud of what I have achieved. I feel Australia helped me. Siguro kung sa atin, hindi ko makukuha ito kasi mas binigyan ako ng chance dito."
"Habang nag-lelearn ka yung pakiramdam mo you feel young. You feel na hindi ka hanggang doon lang, you can do something more."Habang ang pagpipinta ay isang artistikong pagsisikap, napatunayan din katulad ng mga kwento ng ilang migrante, na ito rin ay isang epektibong terapiya para sa pangakalahatang kalusugan.
Lorna Natividad has found new friends and received a few recognition for her works through the help of her community-based organisation. Source: SBS Filipino
Kung ikaw ay isang bagong migrante na naghahanap ng emosyonal at sosyal na suporta, makipag-ugnay sa o tawagan sila sa 97013421.
BASAHIN DIN: