Paano naging 'blessing' ang kotseng si Bluey na ipinasa-pasa sa tatlong pamilya sa Australia

BLUEY PROFILE.jpg

The three recipients of the car, namely [L-R] Emmanuel Fernandez, Frederick Cuyugan and his family, as well as Laurence Bala, believe that Bluey continues to spread kindness on the road, proving that a little generosity can go a long way. Credit: Supplied

Ang sasakyang si Bluey ay tatlong beses nang naipasa nang libre sa iba’t ibang taong nangangailangan—isang biyaheng puno ng kabutihan at pagbibigayan.


Key Points
  • Isang Australian sa Adelaide ang tunay na may-ari ng sasakyang si Bluey na ibinigay sa Argentinian international student na dance instructor na si Emmanuel Fernandez, matapos lumipat sa Sydney ibinigay naman ito sa bagong dating na Pinoy na si Frederick Cuyugan.
  • Ayon kay Emmanuel Fernandez ang unang taong binigyan kay Bluey, pinakiusap niya sa kaibigang Pilipino na si Frederick Cuyugan kung hindi na kailangan ang sasakyan ibigay din ito sa nangangailangan, bagay na tinupad din ng pamilyang Cuyugan.
  • Matapos i-post sa social media ng pamilyang Cuyugan, umabot sa higit isang daang katao ang nagpakita ng interes na gustong makakuha kay Bluey, pinakabagong may ari nito ang international student na si Laurence Bala.
Frederick Cuyugan's fam.jpg
The Cuyugan family arrived in Adelaide, South Australia, in 2023, full of dreams and hopes for a brighter future. Credit: Frederick Cuyugan
Higit isang taon pa lang sa Adelaide, South Australia mula Pampanga sa Pilipinas, ang pamilya nila Frederick o mas kilalang si Eric at Shane Joy Cuyugan kasama ang kanilang apat na anak.

Nakarating sila sa Australia matapos makakuha ng working visa.

Si Frederick ay isang professional dance teacher sa Quick Steps Dance studio habang ang nurse nitong asawa ay isang aged care worker.
Frederick Cuyugan's family on bike.jpg
As newly arrived residents in Adelaide, South Australia, the Cuyugan family relied on second-hand bikes as their mode of transportation to work and for their four children to get to school. Frederick Cuyugan
Tulad ng maraming migrants, maraming hamon ang kanilang pinagdaanan nang magsimulang mamuhay sa bansa.

"Walang kaming sasakyan, nag-iipon pa kami kaya nagbibisikleta kaming mag-asawa papuntang trabaho. Ang mga bata din papuntang school, kung mag-grocery may hila kaming trailer ang bike namin puno-puno pa dahil malayo kami sa grocery,"kwento ng amang si Frederick.
Kaya isang malaking biyaya ang dumating sa pamilya noong limang buwan pa lang sila sa Australia, mula sa katrabahong Argentinian at karelasyon nitong American.

"Emmanuel talk to me and told me that they will give Bluey to us."

Para sa asawang si Shane Joy hulog ng langit si Bluey sa kanilang pamilya, mas pinagaan ang kanilang pang-araw araw na buhay mula noon.

"Kung dati nagbibisikleta kami almost 5 kilometres papunta sa trabaho, ganun din ang mga bata papuntang school.

Ngayon hinahatid na namin sila sa school, hindi na naiinitan o nababasa sa ulan kasi may Bluey na pati sa pag-grocery," masayang pag-amin ng inang si Shane.

Bluey Give it way.jpg
The Cuyugan family decided to give Bluey away for free to those in need, fulfilling the condition set by Emmanuel Fernandez when he passed it on to them. They posted on social media and held a draw. Credit: Frederick Cuyugan
Nang makapag-ipon ang pamilya, nakabili sila ng sariling family car at ipinamigay si Bluey sa iba na nangangailangan din.

Si Bluey i-pinost sa social media at ginawa ang bunotan.
Turnover Bluey to Laurence Bala.jpg
International student [Right photo] Laurence Bala could not contain his joy when he received the car named Bluey. Credit: Laurence Bala/ Frederick Cuyugan
Sa higit isang daang nagka-interes kay Bluey si Laurence Bala, isang international student din sa Adelaide ang nakakuha ng sasakyang si Bluey.
Laurence Bala as a student automotive mechanic.jpg
Laurence Bala is currently studying Automotive Mechanics, and now that he has Bluey, not only does he have a vehicle to use, but he also has his own car to practice what he's learning at school. Credit: Laurence Bala
"Noong nakita ko sa post, agad akong nag-message sa kanila sabi ko kung ako ang mapipili gagamitin ko papuntang school, pagtatrabaho at sa pagsamba. At noong sinabihan akong ako ang nakakuha kay Bluey, ang saya ko.

Talagang malaking tulong ito dahil may pamilya akong tao, although pwede bumili kung gugustuhin pero priority ko ang needs ng pamilya ko kaya nagbu-bus ako," masayang kwento ni Laurence.
Bluey with Emmanuel Fernandez 2.JPEG
Argentinian international student Emmanuel Fernandez, the first recipient of Bluey, set a condition: the car should not be sold but rather given away to continue the legacy of helping others in need. Credit: Emmanuel Fernandez

Ang lahat ng nangyari ay ikinatuwa ni Emmanuel Fernandez, dahil naipagpatuloy ng pamilyang Cuyugan ang pagtulong sa kapwa sa pamamagitan ni Bluey.

"I knew [Frederick Cuyugan] and his family has very good heart and good values. "

Share