Key Points
- Nakipag-partner ang Australia sa ARQ SME BDC na sumusuporta sa mga small at medium businesses.
- Naglagak ang Australia ng 67 million peso-capital para buksan ang “She Secure” na investment venture sa ilalim ng ARQ SME BDC para sa mga kababaihan, magpapa-utang ito sa mga maliliit na mga negosyo ng mga babae para tulungan silang lumago at para isulong ang gender equity practices.
- Nagpapa-utang ito ng hanggang 30 million pesos sa bawat negosyo.
Mula 2016, naglalagak ng puhunan ang Australia sa mga women-led businesses sa Pilipinas.
Nakalikha na ito ng mahigit dalawang libong trabaho.
Samantala, nag-award ang Australia ng scholarships sa mga universities sa Australia, para sa mga Pilipino, para isulong ang agricultural research sa Pilipinas
Labindalawang Pilipino ang binigyan ng graduate scholarships sa pagtutulungan ng Department of Science and Technology o DOST ng Pilipinas, at ng Australian Centre for International Agricultural Research o ACIAR.
Sa ibang balita, nagdaratingan na ang mga balikbayan na magpa-Pasko sa Pilipinas.
Matindi na ang traffic sa Metro Manila dahil sa Christmas Rush.
Lalong kumapal ang dami ng mga sasakyan sa EDSA, isa sa mga pangunahing lansangan at sa iba pang kalye sa Metro Manila.
Itinigil na ng MMDA ang mga repair works sa mga pangunahing lansangan, nagtakda ng mga alternatibong ruta para sa mga motorista, at in-adjust ang mall hours para hindi magsabay-sabay ang mga bumibili at namamasyal sa mga malls, mga paraan para pagaanin ang traffic.