Inamin ni Ms Flores na ang lockdown sa Victoria ay nakaapekto sa kanya sa pag-iisip, ngunit nakakita siya ng isang paraan upang ma-channel ang kanyang emosyon sa isang malusog na paraan sa tulong ng makeup.
“During the lockdown all my wedding gigs had to stop. There were times when I cried and I said to myself this is not me, I’m an extrovert and I love the outdoor. So I made a way to make use of my skills. I started to unleash my talent in creative makeup.”
Nagbabahagi si Ms Flores habang ang karamihan sa mga Pinoy sa Melbourne ay kilala siya bilang isang bridal makeup artist, mas marami pa siyang maiaalok.
“Most people know me as the bridal specialist but what they don’t know is that I can do other things like nail art, face painting and illusion makeup.”
Paglabas ng kanyang panloob na sarili sa pamamagitan ng creative makeup
Sa sobrang limitadong gala biting lockdown, nakatuon si Ms Flores sa paggawa ng mga video upang maipalabas ang kanyang pagkamalikhain at pagpapahayag ng sarili.
“I tried to find my niche so I made 5 minute make-up look, videos on product recommendations and also made videos on creative/illusion make up.”
Creative makeup by Blezel Anne Flores Source: Blezel Anne Flores
Idinagdag niya ang paggalugad sa creative makeup ay nakatulong sa kanyang mental na kalusugan sa mahabang buwan ng lockdown at sa pamamgitan dito ay nakagawa din siya ng mga kakaibang looks.
Para sa kanya, mayroong isang masining na elemento sa makeup kung saan ang mukha ang canvas.
Creative makeup by Blezel Anne Flores Source: Blezel Anne Flores
Malayo ang mararating ng maparaan
Sa pagsara ng mga non-essential na negosyo, sinabi ni Ms Flores na nakahanap siya ng mga materyales para sa prosthetics mula sa kanyang kusina.
"During the lockdown we weren't able to go out so I sourced some of my prosthetics from the kitchen. I used dough for example."
Dagdag pa niya, ang ilan sa mga bagay na maaaring magamit ay harina, tinunaw na tsokolate, palito, dayami, guwantes at espongha.
Balik negosyo
Sa panahon ng lockdown sinabi ni Ms Flores na kumita siya ng pera sa pamamagitan ng kanyang online make up class.
"To earn extra income, I launched my zoom makeup tutorial and I was pleased that many people joined."
Ngayon sa pagluwag ng mga restriksyon sa Victoria, nagpapasalamat si Ms Flores na muli na siyang makakalabas muli upang gawin ang bagay na mahal niya.