Kapayapaan at pagmamahalan hangad ng Philippine Christmas Festival 2023 para sa buong mundo

Philippine Christmas Festival 2023

Rain or shine, this year's Philippine Christmas Festival has showered an opportunity for Australians with Filipino background to celebrate Christmas in unity for the first time in western Sydney's Blacktown Showground. Credit: SBS Filipino

Hindi napigilan ng ulan at matinding init ng araw ang mga Pilipino sa New South Wales na sama-samang ipagdiwang ang Philippine Christmas 'Pasko' Festival na unang pagkakataon na ginawa sa Blacktown Showground sa kanlurang Sydney.


Key Points
  • Philippine Christmas Festival unang pagkakataong ginanap sa Blacktown Showground sa kanlurang Sydney.
  • Tampok ang mga lokal na talentong Pilipino sa selebrasyon ng Pasko.
  • Pagkakaisa, kapayapaan at pagmamahalan hangad ng Pasko Festival para sa buong mundo.
LISTEN TO THE PODCAST
Philippine Christmas Festival 2023: A Showcase of Filipino talent and culture image

Philippine Christmas Festival 2023: A Showcase of Filipino talent and culture

12:25

Selebrasyon ng tradisyon at kultura

Dagsa ang mga Filipino sa taunang Philippine Christmas Festival na sa unang pagkakataon ay ginanap sa Blacktown sa kanlurang Sydney na kilalang baluarte ng mga Pinoy.

Kahit pa umuulan sa unang araw ng selebrasyon, tuloy na tuloy ang pagdiriwang ng Paskong Pilipino sa pangunguna ng Philippine Community Council of New South Wales.

Suot ang makukulay na damit at katutubong mga kasuotan nagparada ang mga ito sa venue, bilang pagpapakita sa makukulay na tradisyon at kultura ng mga Filipino.
Filipino cultural dresses.jpg
Various Filipino Australian groups participated at the Philippine Pasko Festival parade on the event's opening day on November 25, 2023. Credit: SBS Filipino/Annalyn Violata

Komunidad at katatagan

Nakilahok din sa kasiyahan ang ilang kinatawan ng ahensya gobyerno ng Pilipinas kasama ang Philippine Department of Tourism at Department of Trade and Industry na nagbigay din ng kanilang suporta para sa pagsasagawa ng ika-anim na Philippine Christmas Festival.

Ayon sa Presidente ng Philippine Community Council of New South Wales na si Cesar Bartolome nagpapatunay lang ito sa likas na katangian ng mga Pinoy na matatag sa lahat ng panahon.
Phil Pasko Fest group photo.jpg
Members of the Filipino community in NSW gather together for an early celebration of the festive season. Credit: SBS Filipino
"Rain or shine tuloy ang ating selebrasyon...kaya nakita mo naman bagama't may ulan sa unang araw, bumuhos din ang dagsa ng tao.

"Ganyan ang mga Pilipino, walang sibat na maaaring iharang upang gawin ang ating dapat gawin. At ang selebrasyon na ito ay pagpapakita nating mga Pilipino kung gaano tayo ka-resilient," ani Ginoong Bartolome.

Talento at sining

Isa sa nagpakinang ng selebrasyon ang singing sensation ng X-Factor UK, at Filipino Austalian na si Elyssa Villareal .

Kwento niya masarap sa pakiramdam na magbahagi ng saya sa mga kababayan ngayong panahon ng kapaskuhan.
Elyssa Villareal
Singer Elyssa Villareal showcased her talent at The X Factor UK in 2017 as well as The Voice Australia and X Factor Australia, but performing for the Filipino Australian community 'always feels like home'. Credit: SBS Filipino/Annalyn Violata
"I actually feel like I'm at home. I feel more at home when I sing in Sydney... It's just so nice because everyone feels like family. I was still young when I started being with them [Filipino community] so growing up and performing for them is such a good feeling," pagbabahagi ni Villareal.

Nagpakitang gilas din ng kanyang talento ang tinaguriang Moira of Sydney na si Melody o sa totoong buhay na si Trexyl Joy Felizardo na inimbitahan ng SBS Filipino para magtanghal.
Moira of Sydney, Trexyl Joy Felizardo, also known as Melody
Considered as the Moira of Sydney, Melody or real name Trexyl Joy Felizardo, performs at the Pasko Festival for the first time. Credit: SBS Filipino/Annalyn Violata
Natatanging pagkakataon din ito sa buhay ni Melody dahil unang pagkakataon din nitong ibahagi ang kanyang talento sa pagkanta sa Philippine Christmas Festival.

"Feels so honoured to be performing at the Pasko Festival together with SBS Filipino. My heart is so happy to be able to sing a Christmas song that is dear to my heart," ani Trexyle Joy na tubong-Roxas City sa Pilipinas.
Pasko Fest families gather.png
The Christmas Festival was an opportunity for the community to gather and celebrate the Filipino Christmas culture together. Credit: SBS Filipino
Hindi rin ngapahuli ang SBS Filipino na nagbigay kasiyahan sa mga kababayan kasama ang Love Down Under Hosts na sila Claudette Centeno Calixto at Papa Dan Villanueva. Nagkaroon din sila ng kaunting palaro sa mga nanood bukod pa sa ilang libreng photo booth ng SBS Audio.

Salo-salo't pagkain

Samantala taon-taon ding sumusuporta sa pagdiriwang ang tagapakinig ng SBS Filipino na si Ariel Abellera.
Christmas Fest audience.jpg
Audience members participated in SBS Filipino's 'Sawikain & Salawikain' and Tongue Twister games. Credit: SBS Filipino
Kwento niya masaya siyang makadalo sa kasiyahan ng Pasko sa Sydney at ganundin ang personal na nakita ang ilang mga personalidad ng SBS Filipino na araw araw niyang pinapakinggan sa sa SBS audio App.

May mga impormasyon ding ipinamahagi ang ilang kinatawan ng mga ahensya ng gobyerno ng Pilipinas para sa mga serbisyong kanilang ibinibigay, tulad ng Pag-ibig , Philippine Consulate para sa pasaporte at registration, Philippine Statistic authority para sa may mga problema sa birth certificate, CENOMAR at maaari ding magpa-rehisto sa Philippine Identification System para makakuha ng E-Phil-ID na magagamit na ID sa transaksyon sa Pilipinas.
Love the Philippines.jpg
Cultural events such as the Christmas Festival are an opportunity to showcase the Philippine culture, traditions and everything about the Philippines. Credit: SBS Filipino
Sa pagdiriwang ng Paskong Pinoy dito sa Sydney at buong Australia, at saanmang dako sa mundo naroon ang mga Filipino umaasa ang Philippine Community Council of NSW nawa'y maghari ang kapayapaan at pagmamahalan sa buong sanlibutan.
Food stall.jpg
The Festival provided for an opportunity for businesses to showcase their Filipino products and culture. Credit: SBS Filipino
Maliban sa mga palabas at pagtatanghal, tampok din sa kaganapan ang mga pagkaing Pilipino tulad ng mga Pinoy street foods kasama ang barbecue, sisig, lugaw, letchon, at samot saring kakanin.

May mga ibinenta ring mga parol at palamuting pampasko.
Sa ikalawang araw, nagkaroon naman ng sari-saring kompetisyon kasama ang parol-making competition, choir at cultural dance competition.

Nagpaligsahan din ng galing sa pagtula sa Oratorical Competition at sa drawing contest para sa mga bata, bukod pa sa Impersonation at Tiktok Dance Competition.

Share