Binibigay namin ang pahayag na ito mula sa aming damdamin, kasama ang mga kasapi ng National Constitutional Convention noong taong 2017. Ang mga tribo ng Aboriginal and Torres Strait Island ang kauna-unahang may karapatan, pagmamay-ari at hurisdiksyon sa buong kontinente at karatig - isla ng Australia.
Pinanghahawakan nila ang kanilang mga karapatan at pagmamay-ari sa bisa ng mga batas at kinagawian ng bansa.
Kinikilala ito maging ng ating mga ninuno bilang bahagi nang paglikha ng mundo at kumakatawan sa kinikilala ng agham na bumuo sa mundong ginagalawan, higit 60,000 taon na ang nakakalipas.
Ang diwa ng karapatan at kapangyarihang taglay ay may spiritwal na aspeto. Tumutugon ito sa ugnayan at pananatiling konektado ng mga mamamayan ng Aboriginal and Torres Strait Island sa lupain kung saan sila isinilang at muling ihihimlay sa kalaunan.
Ang natatanging ugnayan na ito ang basehan ng karapatan at kapangyarihan na ni minsan ay hindi binawi at umiiral kasabay ng kapangyarihan ng gobyerno.
Sa pamamagitan ng pagababago at reporma sa ilang probisyon ng Konstitusyon, tiwala kami na kapangyarihang ito ay buong-buong kakatawan sa pagkakakilanlan ng bansang Australia.
Kami ang palaging tinutuligsa at kadalasanan inilalayo ang kabataan sa kanilang mga pamilya. Kapag taglay ang kapangyarihan sa ating tadhana, magagabayan ang mga bata sa kanilang pag-usbong at makikilala nila ang dalawang mundong naiiba ang kultura. Ito ang magiging kontribusyon nila sa bayan.
Nananawagan kami sa pagbuo at pagsama ng First Nations voice sa Konstitusyon. Ang Makarrata ang tutuldok sa aming paghihirap. Hiling namin ang pagbuo ng Makarrata Commission para mangangasiwa sa kasunduan sa pagitan nang mga gobyerno at First Nations.
Daing namin na maisulong at maipatupad ang mga reporma nang mapunan ang puwang at mapakinggan ang aming tinig.
Noong 1967, kami ay kinilala. Nuong 2017, hiling namin mapakinggan. Lilisanin namin ang kasalukuyang tirahan at lilibutin ang malawak na bansa.
Inaanyayahan namin kayong samahan kami sa aming paglalakbay patungo sa mas maayos na kinabukasan para sa mga mamamayan ng bansa.
Para sa karagdagang impormasyon bisitahin ang Uluru Statement from the Heart sa o i- email ang Indigenous Law Centre, UNSW sa
Alamin ang proseso ng dayalogo ng First Nations hanggang mabuo ang Uluru Statement from the Heart.
Isinalin ng SBS ang Uluru Statement from the Heart sa higit 20 Aboriginal na wika, [mula sa mga komunidad ng Northern Territory at Northern Western Australia] at higit 60 wika para bigyang-daan ang patuloy na pag-uusap katuwang ang culturally and linguistically diverse na komunidad.