Defense Sec Teodoro, hinikayat ang mga Pinoy sa Australia na magkaroon ng iisang boses sa isyu ng West PH Sea

GIBO.jpg

Philippine Secretary of National Defense Gilberto C. Teodoro Jr. speaks at The Australian Strategic Policy Institute. Credit: Australian Strategic Policy Institute Youtube

Nasa Australia si Philippine Defense Secretary Gilbert Teodoro para sa dalawang araw na official visit nito sa bansa at nagpaunlak ng maikling panayam sa SBS Filipino.


Key Points
  • Sa unang araw ni Philippine Defense Secretary Gilbert Teodoro sa Australia ay bumisita ito sa Shrine of Remembrance sa Melbourne para mag-alay ng bulaklak at magbigay respeto sa Remembrance Day.
  • Sinundan ito ng pagsasalita sa Australian Strategic Policy Institute kung saan tinalakay ang mga polisa ng Pilipinas lalo na sa regional security kabilang ang mga hamon sa West Philippine Sea at South China Sea.
  • Ngayong araw, Martes, makikipagpulong din Secretary Teodoro kay Minister for Defence Richard Marles sa Canberra kung saan inaasahan na pag-uusapan ang kooperasyon ng dalawang bansa.
Tuloy-tuloy ang ating ugnayan sa Australia dahil ito ay ating Strategic Partner na bansa. Hindi lang Strategic Partner sa salita, kundi sa gawa.
Philippine Defense Secretary Gilbert Teodoro

Share