Higit pa sa punk heavy music ng Dispossessed ay kultura, paghihirap ng mga First People

Harry Bonifacio Baughn

Vocalist Harry Bonifacio Baughn Source: SBS Filipino

Sila ay inilarawan bilang "the most uncompromising, unapologetic and important" na banda sa Australia, ngunit ang metal band na 'Dispossessed' ay higit pa sa kanilang punk na musika.


Nabuo may tatlong taon pa lang ang nakalipas, ang Australian punk metal band na binubuo ng mga kabataang lalaking Aboriginal, Filipino at Ghanaian ay alam kung saan patungo ang kanilang musika.

Higit pa sa kanilang maingay, sariwa at pa-sigaw na mga awitin at musika, nais nilang ibahagi ang mahahalang mensahe at itaas ang mga isyu na tunay na nakaka-apekto sa mga Unang Tao ng Australia. "It's a very emotional genre, it's quite fast... heavy coz the topics that we talk about are heavy, and angry because we have a lot of anger about these thing," sabi ng vocalist at lyricist ng Dispossessed na si Harry Bonifacio Baughan.
Harry Bonifacio Baughn
Harry Bonifacio Baughn with some punk hand sign (SBS Filipino) Source: SBS Filipino
"Cultural element was pretty strong, a big reason why the band was started is dissatisfaction and it was also the fact that a lot of our political concerns were also have to do with white supremacy, racism and colonialism," bigay dinn ng batang bokalista na Pilipino-Australyano.
Ang uri ng kanilang musika - ang punk music - ay siyang kilala ng banda, at naniniwala sila na ito ay "agent for change" at ito ay dapat na manatili na magamit para sa pagbabago.

Ano ang nakapaloob sa pangalan ng Dispossessed?

Share