“Mararamdaman mo talaga na essential ang pagiging nurse. Isa siya sa natirang profession na tuluy-tuloy na hindi pwedeng mag-work from home during the pandemic," pahayag ng nurse na tubong-Bicol.
Sa kabila na nakaramdaman ito ng pagkapagod sa tuluy-tuloy na pagta-trabaho bilang nurse, hindi kailanman naisip ni Archie Parafina na iwanan ang pagiging nurse.
Highlight
- Sa patuloy na kinakaharap na pandemya, isa ang mga nars sa walang patid ang paghahatid serbisyo sa mga tao.
- Pagod at sagad sa oras na pagta-trabaho ang kadalasan na nararanasan ng maraming mga nurse lalo na sa panahon ng kasagsagan ng COVID-19.
- Kahit na naramdaman ng labis na pagkapagod ang nurse na si Archie Parafina, hindi niya kailanman naisip na iwan ang nursing.
Hamon sa isang nurse sa panahon ng pandemya
Bago pa man nagka-pandemya, tulad ng maraming nurse, sagad-sagad na kung magtrabaho si Archie Parafina.
Pero mas naging hamon ang sitwasyon para sa maraming nurse na walang patid ang naging pagta-trabaho.
"All other industries and professions noong nag-start ang lockdown, almost everyone went to work from home and they still can function. They can bring their work from their offices to their home," ani ni G Parafina.
"Hindi kami pwedeng umuwi at dalhin sa bahay ang trabaho."
Naging malaking hamon para sa Australian registered nurse ang kalusugan ng isip.
Mental health remains one of the biggest challenges.
"Grabe 'yung naging struggle ko para sa mental health. Limited lang kasi ang access for nurses to vent out."
"After a very long busy 8-12 hours shift, wearing of facemask and PPEs, you would usually just go home. Like for me, even before the pandemic, ang buhay ko lang noon, work-apartment-work," lahad ni Archie Parafina.
Image
'Be a nurse because you love to be one'
Taong 2005 nang maging isang registered nurse sa Pilipinas si Archie Parafina. Nagtrabaho ng isang taon sa ospital bago nagturo sa nursing.
Makalipas ng tatlong taong pagta-trabaho sa Pilipinas, naisipang mangibang-bansa. Nagtungo sa Egypt at doo'y nagtrabaho ng dalawang taon.
Matapos na mabigo na makapag-apply sa New Zealand, naging opsyon niya ang Australia.
"Ang original plan ko together with my 3 other friends, ay pupunta kami ng New Zealand pero naiwan ako dahil sa English test ko na hindi ko makuha-kuha ‘yung score na kailangan para maka-diretso ng pagkuha ng bridging course para nursing doon," kwento ni G Parafina.
Nobyembre 2011 nang dumating sa Australia ang tubong-Naga City sa ilalim ng student visa. Sa una'y nahirapan siyang makapasok sa trabaho bilang isang nurse hanggang sa makuha niya ang pagiging isang Australian registered nurse.
At ngayon bukod sa pagiging isang staff nurse sa isang ospital sa Sydney, nagtuturo na rin ngayon ng nursing si Archie Parafina.
Sa kanyang mga estudyante, may dalawang mahalagang aral na madalas niyang ibinabahagi:
"Be a nurse because you love to be one. You have to have a good heart and love this job and seeing yourself nursing and not just for the compensation.”
At sa bawat hamon sa buhay may aral na matututunan, "[E]very experience or milestone sa buhay is a building block towards your career goal whatever that is. Like for me, nakarating ako sa posisyon ko ngayon dahil sa lahat ng naging experiences ko.
Magpahinga kung kailangan
Sa kabila ng mga hamon sa kalusugan at isipan, mahalaga na matugunan at mapangalagaan ang sarili.
Hinamon man ng sitwasyon, humanap ng paraan si Archie Parafina na malampasan ang kinakaharap na pagod at kalungkutan.
"Since working as a nurse from 2005 although there was a gap, parang na-burnt out ako. Sabi ko I need a break so I thought to go to the rural area, not really to start anew but to have a break from the busy lifestyle in the city."Mahalaga aniya na tiyakin na gusto mo ang ginagawa mo at kung nakakaramdam ng pagod, "magpahinga ka".
Archie Parafina spent 4 months in Northern Territory as a travelling nurse in the first quarter of the pandemic. Source: Archie Parafina
"If hindi ka 100% and you don’t feel like you can function as a nurse, then take some rest. Also make sure that you still love what you are doing and it’s not just for the money but for your self-fulfilment too,” payo ni Nurse Archie.
Sa pandemya na kinakaharap, isang pagkakataon na mapakita ang kahalagahan ng pagiging nurse.
"I was thinking that it’s a once-in-a-lifetime experience given the last pandemic happened more than 100 years ago and this current pandemic will be a part of history that future generation will learn from it and I am proud I was part of it working as a nurses," ani Parafina.
Humanap ng pagkakaabalahan
Sa panahon na labis ang kalungkutan na naramdaman, Tiktok ang isa sa pinagkaabalahan ni Nurse Archie para kahit paano ay mapawi ang lungkot.
"Nag-post ako ng original video ko, satire ng nurse na working from home. ‘Yun talaga ang nag-viral."
Hindi inaasahan ng 36-anyos na nurse na tatangkilikin siya ng mga tao sa Tiktok.
"I’m doing this mainly because I am having fun doing it. Nag-eenjoy ako at kapag pinapanood ko mga video ko ako mismo natatawa sa sarili ko."Sa 1.8 million Likes at 117,000 Followers sa Tiktok, hangad na magpatuloy na gumawa ng mga video na makakapagsaya sa mga tao.
Nurse Archie on Tiktok: 'About 90 percent of my Tiktok posts are nurse-related, a satire and the fun-part of nursing life.' Source: Archie Parafina
"It’s a win for me to make videos dahil nag-eenjoy ako. It’s keeping my sanity at nagkakaroon ako ng outlet for my creativity."
Para sa mga katulad niyang nurse, kung nakakaramdam ng pagkapagod, magpahinga at matulog para makapag-recharge.
BASAHIN DIN/PAKINGGAN