Isang dating drop-out sa hayskul at kolehiyo, ngayo'y ipinagmamalaki na isa nang nars

Filipino nurses

Don't be deceived: Bjorn Santos loves heavy metal rock music (Photo by Marty Floro) and he is also a registered nurse. Source: Supplied by B Santos

Isang desisyon na gawin ang lahat o hindi para sa Bjorn Santos na mag-aral at tapusin ang pagiging nars sa Australya pagkatapos iwan ang hayskul at kolehiyo upang maging isang miyembro ng banda na heavy metal rock sa Pilipinas.


"Sabi ko nung magsimula akong mag-nurse, it's either I'll do it or I'm not going to do it at all. And I did it! Everyone is partying on Saturday night. Pero ako, Sunday morning, gigising ako ng maaga, andun ako sa library," pagbabahagi ni Bjorn Santos.

 

Kung titingnan mo lamang ang kanyang pisikal na hitsura - mga tattoo sa kanyang mga braso at katawan, mga hikaw saa tainga at mukha - at ang kanyang hilig sa musikang heavy rock metal, hindi mo isipin sa unang pagkakataon na siya ay isang rehistradong nars.

 

Kasalukuyang nagtatrabaho bilang isang nars sa ilang mga pasilidad ng pangangalaga para sa mga matatanda, hindi naging madali ang landas para sa dating drop-out at ngayo'y isang RN at kanyang ipinagmamalaki na pinili niyang maging responsable at maglingkod sa mga pasyente bilang isang nars.

 

"If I will have a prolonged life, say 250 years from now, gagawin ko ito (na maging isang nars) as much as I can. Binigyan ako ng Diyos ng buhay, why not fulfill it," pagtatapos ni Bjorn Santos.

Share